Dawn Chang tinawag na 'sawsawerang starlet', 'papampam queen' ng bashers dahil sa #NoToAbuse post | Bandera

Dawn Chang tinawag na ‘sawsawerang starlet’, ‘papampam queen’ ng bashers dahil sa #NoToAbuse post

Ervin Santiago - March 22, 2022 - 04:14 PM

Dawn Chang, Kit Thompson at Ana Jalandoni

Dawn Chang, Kit Thompson at Ana Jalandoni

SENTRO na naman ng pamba-bash ngayon ang actress-dancer na si Dawn Chang matapos magkomento sa kasong kinakaharap ngayon ni Kit Thompson dahil umano sa pambubugbog sa girlfriend nitong si Ana Jalandoni.

Kung anu-ano na namang masasakit na paratang ang ibinabato ng netizens sa dalaga nang dahil sa ipinost niya sa social media na may konek sa domestic violence laban sa mga kababaihan.

Nitong nagdaang Biyernes, March 18, nagbahagi ng kanyang saloobin sa Dawn hinggil sa mga kaso ng pananakit at pananakot laban sa mga babaeng walang kalaban-laban.

Walang binanggit na personalidad ang Kapamilya dancer sa kanyang post pero naniniwala ang mga nakabasa nito na may koneksyon ito sa kontrobersyang kinasasangkutan nina Ana at Kit.

Pahayag ni Dawn Chang, “No woman deserves violence or any form of abuse from their partner. May it be physical, financial, emotional or even sexual abuse.

“Be brave enough to leave the relationship but be strong for the aftershock because the abuse sometimes continues even after leaving the relationship,” ani Dawn gamit ang mga hashtag na #NoToViolence at #NoToAbuse.

May mga sumang-ayon at nag-like sa post ni Dawn pero mas marami ang nangnega sa kanya at ilan sa mga haters ay tinawag pa siyang “sawsawerang starlet”, “papampam queen”, “epal,” at kung anu-ano pa.

Sabi ng isang netizen, “Ayan na naman sya sawsaw suka…. Kahit lalaki hndi din deserve and any form of violence.”

Ito naman ang cool na cool na tugon ni Dawn, “Tama ka no one including men deserves violence.”

Dugtong pa niya, “Sana hindi mo nararanasan yan ngayon. Sana hindi rin maranasan ng anak mo pag laki nya.

“Kaya please guide your daughter well because one day she will love hard and she will give her all,” sabi pa ng dancer.

Isa si Dawn sa matatapang na celebrities na talagang walang takot na nagpapahayag ng kanyang nararamdaman at saloobin sa mga maiinit na isyu sa mundo ng showbiz at politika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝙳𝙰𝚆𝙽 𝙲𝙷𝙰𝙽𝙶 (@thedawnchang)


Matatandaang nalagay din sa kontrobersya ang dalaga nito lamang nakaraang buwan nang banatan nito si Toni Gonzaga dahil sa pakikiisa nito sa mga taong nagpasara sa ABS-CBN.

Aniya, nakakadismaya at nakakainsulto ang hayagang pagsuporta ni Toni kay presidential candidate Ferdinand Marcos, Jr. at sa iba pang kaalyado nito sa politika, lalo na kay Cong. Rodante Marcoleta.

Isa kasi si Marcoleta sa 70 kongresista na bumoto para ibasura ang franchise renewal ng ABS-CBN na siyang mother network nina Toni at Dawn. Pareho rin silang nakatikim ng batikos mula sa mga netizens nang dahil sa kanilang paniniwala.

https://bandera.inquirer.net/307183/dawn-chang-kasama-sa-cast-ng-darna-tv-series-netizens-nag-react-anong-role-mo-dyan

https://bandera.inquirer.net/307723/dawn-chang-idinamay-ng-netizens-sa-pagkatsugi-ni-kiko-estrada-sa-darna

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305711/lolit-solis-kay-dawn-chang-baguhan-ka-magde-demand-ka-ng-apology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending