Angelica: Magiging ganap na ina na po ako...opo, may matres ako mga baklaaah! | Bandera

Angelica: Magiging ganap na ina na po ako…opo, may matres ako mga baklaaah!

Reggee Bonoan |March 20,2022
facebook
share this

Angelica: Magiging ganap na ina na po ako…opo, may matres ako mga baklaaah!

Reggee Bonoan - March 20, 2022 - 03:09 PM

Angelica Panganiban magiging mommy na

Angelica Panganiban at Gregg Homan

FINALLY, kinumpirma na ng magkasintahang Angelica Panganiban at Gregg Homan na magkakaroon na rin sila ng sariling baby.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinandera ng aktres na magiging mommy na siya sa panganay nila ni Gregg kaya naman abot-langit ngayon ang kanyang kaligayahan.

Ipinost ni Angelica ang video ng ultrasound at printed copy nito na nakalagay sa bote at nasa tabing dagat habang nasa background naman sila ng boyfriend niyang si Gregg. Meron ding kuha ang magkarelasyon na nakalubog sa tubig habang hawak nila ang tummy ni Angge.

Ang caption ng aktres sa kanyang IG post, “Ay! Na post!!!

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko kaiyaq pramis,” ang excited na pahayag ng aktres.

Matatandaang nasulat na namin dito sa BANDERA noong March 6 na pregnant na si Angelica na siya ring dahilan kung kaya tumanggi na siyang gawin ang ilang projects na ino-offer sa kanya ng ABS-CBN at naunawaan naman siya ng mga TV executives.

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Ito rin ang dahilan kung bakit biglang napalitan si Angge sa sitcom na “My Papa Pi” ni Piolo Pascual kahit nakapag-taping na siya. Si Pia Wurtzbach ang pumalit sa kanya sa programa.

Anyway, ang dami-daming natuwa for Angelica at Gregg sa bagong milestone ng buhay nila as future husband and wife an parents. Matagal na ring hinihintay ng aktres na magkaroon ng baby pero hindi ito nangyari sa past relationships niya.

Samantala, naisip nalin na ito siguro ang main agenda siguro ng pagkikita-kita ng magkakakaibigang Angelica, Bea Alonzo, Dimples Romana at Anne Curtis nang magpa-dinner ang mag-asawang Neil at Angel Locsin-Arce sa bahay nila nitong unang linggo ng Marso.

Anyway, isa sa mga unang  bumati kina Angelica at Gregg ay ang kakakasal lang na si Yam Concepcion na kasalukuyang nasa New York City. Aniya, “Congratulations!”

Komento ni Kim Chiu, “OMG!!!!! Finally secret is out!!!! super happy for you momsy!!!! I love you so much! You deserve every blessing na natatanggap mo ngayon.”

Puro heart emojis naman ang ipinost ni Arci Muñoz sa pregnancy reveal ni Angge.

Sabi naman ni Ritz Azul, “WOOOOWWW!!!! CONGRATULATIONS, ate Angge!!!!”

Pagbati rin John Lapus, “Yehey!!Congrats @gregg_homan & @iamangelicap.”

“Deserve!!!!!! Happy for you,” ang mensahe ng beauty queen at TV host na si MJ Lastimosa.

Bumati rin si Isabrl Oli, ang misis ng BFF ni Angelica na si John Prats, “Ayan naaaa!!! Hello.”

“I LOVE YOU SIZZZY @iamangelicap. You deserve all the happiness in the Universe! Congratulations to you and @gregg_homan!” sabi ni Maxene Magalona.

Ang iba pang bumati kina Angge at Gregg ay sina Direk Mae Cruz Alviar, Neil Arce, Lotlot de Leon, Kaye Abad at marami pang iba.

Mula sa BANDERA, binabati namin ang magkasintahang Gregg at Angelica!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lovelife hugot ni Angelica: Ayokong masakal at makulong dahil lang nagmahal ako

B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Kim, Bela botong-boto sa BF ni Angelica: This man is #AngBeKi approved per DTI NCR number…!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending