Vaness pak na pak ang OOTD sa 'Widow's Web'; Kapuso viewers kanya-kanyang hula kung sino ang tunay na killer | Bandera

Vaness pak na pak ang OOTD sa ‘Widow’s Web’; Kapuso viewers kanya-kanyang hula kung sino ang tunay na killer

Ervin Santiago |March 16,2022
facebook
share this

Vaness pak na pak ang OOTD sa ‘Widow’s Web’; Kapuso viewers kanya-kanyang hula kung sino ang tunay na killer

Ervin Santiago - March 16, 2022 - 11:45 AM

Ryan Eigenmann at Vaness del Moral

Ryan Eigenmann at Vaness del Moral

PATINDI na nang patindi ang mga kaganapan sa Kapuso primetime series na “Widow’s Web” at kanya-kanya na ngang hula ang mga manonood kung sino talaga ang pumatay kay Xander na ginagampanan ni Ryan Eigenmann.

In fairness, halos lahat ng mga kapitbahay namin dito sa Cainta ay super tutok sa pinag-uusapang teleserye nina Carmina Villarroel, Pauline Mendoza, Ashley Ortega at Vaness del Moral.

As in wala silang pinalalampas na episode gabi-gabi kaya naman apektadung-apektado sila sa pagkamatay ni Xander at kanya-kanyang hula na nga kung sino ang tunay na killer.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga sumusubaybay sa nakakapraning at nakakatensiyong kuwento ng “Widow’s Web.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vaness Del Moral (@vaness_delmoral)


“Cguro si Atty. Bores pumatay kasabwat c Barbara. At sya ang babaeng tumatakbo. Or Si Jacky at yong kausap nya sa phone. Just comment only. Di ko stress ang self.”

“Cguro si Atty Boris ( Christian Vasquez) ang nagtangka kay AS3 sa club house at dahil hindi natuloy si barbara (Carmina Villaruel) na ang pumatay kay AS3 sa pool kaya may nakita si frank (EA Guzman) na babae na tumatakbo sa pool.”

“C Hilary Suarez ang Real Killer ni Mr. Xander Sagrado kasabwat nya c Atty.”

“Baka wala talaga sa pamilya nila yung killer at pinaglalaruan lang yung tatlong babae?”

“Nako cge na nga ako na pumatay kai xander ako ung bbaeng tumakbu. hanggang s pag tulog  iniisip nio sinu pumatay.”

“Hmmmpf Atty alam n..i smell something fishy.”

Samantala, hot topic din sa social media ang mga bonggang OOTD ni Vaness sa serye na gumaganap bilang Hillary Suarez (Vaness del Moral) lalo na ang suot niya sa burol ni Xander.

Sa isang episode ng serye, ipinakita ang eksena kung saan dumalo sina Hillary at ang stepdaughter niyang si Nikki Suarez (Vanessa Peña) sa lamay ni Alexander Sagrado III. Makikita rin sa naturang episode ang agaw-pansin na pearl necklace ni Nikki at ang black and silver long gown ni Hillary.

Kanya-kanyang post sa socmed ang viewers ng bonggang costume ni Hillary kalakip ang kanilang mga comments sa official Facebook page ng GMA Drama.

Pero more than the OOTD, puring-puri rin ng Kapuso viewers ang akting ni Vaness del Moral sa “Widow’s Web.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy na subaybayan ang unang suspense serye ng GMA na “Widows’ Web”, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad pagkatapos ng “First Lady.”

Vaness del Moral natakot nang ialok sa kanya ang ‘Widow’s Web’: Wait lang, parang hindi ko pa yata kaya!

Bakit nag-‘yes’ agad si Carmina sa unang suspense-serye ng GMA 7 na ‘Widow’s Web’?

EA na-challenge sa bagong role sa ‘Widow’s Web; kulitan nina Mikael at Megan sa ‘The Best Ka’ pak na pak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending