Ryan Reynolds, Samuel L. Jackson, Salma Hayek sanib-pwersa sa 'The Hitman's Wife's Bodyguard' | Bandera

Ryan Reynolds, Samuel L. Jackson, Salma Hayek sanib-pwersa sa ‘The Hitman’s Wife’s Bodyguard’

Ervin Santiago |March 08,2022
facebook
share this

Ryan Reynolds, Samuel L. Jackson, Salma Hayek sanib-pwersa sa ‘The Hitman’s Wife’s Bodyguard’

Ervin Santiago - March 08, 2022 - 07:52 AM

Samuel Jackson at Ryan Reynolds

HUMANDA na sa umaatikabong aksyon at walang katapusang katatawanan sa pagbabalik sa big screen ng killer duo na sina Ryan Reynolds at Samuel L. Jackson na sasamahan pa ni Salma Hayek!

Ngayong March, inihahandog ng VIVA International Pictures at MVP Entertainment ang “The Hitman’s Wife’s Bodyguard” ang inaabangang sequel sa 2017 breakout hit na pelikulang, “The Hitman’s Bodyguard.”

Apat na taon makalipas ang mga pangyayari sa unang pelikula, magkikitang muli ang unlicensed bodyguard na si Michael Bryce (Ryan Reynolds) at ang Hitman na si Darius Kincaid (Samuel L. Jackson) upang magsimula sa isang bagong misyon na iligtas ang asawa ni Darius na si Sonia (Salma Hayek) sa mga bagong panganib.

Habang abala sila na manatiling buhay sa gitna ng mga panganib, malalaman nila na sila lang ang tanging pag-asa upang mapigilan ang masamang balak sa Europa ng isang mapaghiganting pilantropo (Antonio Banderas). 

Sasali rin sa kasiyahan at kaguluhan ang batikang aktor na si Morgan Freeman para sa isang surprise role.

Ayon sa direktor na si Patrick Hughes, nasa proseso pa lang ng editing ng “The Hitman’s Bodyguard” ay naisip na niya ang konsepto para sa sequel. 

Napamahal na siya sa mga karakter, kaya naman naisip niya kung ano na ang pwedeng mangyari sa kanila pagkatapos ng unang pelikula, at dahil dito ay nagawa niya ang sequel movie.

Kilala si Patrick sa kanyang mga action film gaya ng “Red Hill” at “The Expendables 3.” Ang “The Hitman’s Bodyguard” at “The Hitman’s Wife’s Bodyguard” ang kanyang mga unang action-comedy film. 

Ayon kay Patrick, nasa action-comedy film ang kanyang dalawang hilig sa pelikula: ang makatrabaho ang magagaling na mga aktor, at ang magpasabog ng mga bagay.

Panoorin ang makapigil-hiningang aksyon at katatawanan na hatid ng Killer Threesome sa  “The Hitman’s Wife’d Bodyguard” ngayong March 9. Mapapanood sa lahat ng sinehan.

Rabiya nagkasugat, nagkapasa sa pagiging action star: If there’s pain, there’s power!

Juday ipinagdasal ang pagdating ni Ryan: Ito pala ‘yung feeling na niyayaya kang mag-date, dinadalaw ka sa set

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending