'Bombshell' ng Viva na si Jela Cuenca hindi pumapatol sa mga bastos sa socmed; 'type' si Maui Taylor | Bandera

‘Bombshell’ ng Viva na si Jela Cuenca hindi pumapatol sa mga bastos sa socmed; ‘type’ si Maui Taylor

Ervin Santiago |March 06,2022
facebook
share this

‘Bombshell’ ng Viva na si Jela Cuenca hindi pumapatol sa mga bastos sa socmed; ‘type’ si Maui Taylor

Ervin Santiago - March 06, 2022 - 09:23 AM

Jela Cuenca

ISA pang walang pakundangan sa pagpapakita ng hubad na katawan at pakikipag-love scene sa pelikula ay itong Viva Artist Agency talent n si Jela Cuenca.

Napanood siya sa dalawang sex-drama Vivamax Original movie na “Taya” at “Palitan” kung saan game na game siya sa umaatikabong hubaran at sex scenes. 

Pero ayon sa dalaga, may mga limitasyon pa rin daw siya sa sarili pagdating sa pagbo-bold sa harap ng mga camera at sana raw ay makagawa rin siya ng mga pelikula na magpapakita ng kanyang versatility as an actress.

“Siguro tatanggapin ko naman lahat ng ibibigay sa akin na role and kaya ko naman siguro basta hindi lang yung sobra, yung wala na akong naitago sa sarili ko. 

“Kasi siyempre kailangan ko rin konting may para sa sarili ko. Hindi ko kaya yung all out talaga pero lahat naman ng ibibigay sa akin na project is kaya ko naman huwag lang yung sobra,” pahayag ni Jela sa nakaraang virtual mediacon ng sexy comedy film na “Boy Batos” katambal ang dating Hashtag member na si Wilbert Ross, sa direksyon ni Victor Villanueva.

Sa nasabing pelikula na napapanood na ngayon sa Vivamax, nakaka-relate raw si Jela sa kanyang character bilang nerdy girlfriend ni Wilbert.

“Yung character ko rito is santu-santuhan pero patay na patay ako sa character ni Wilbert and every time na nakikita ko siya is parang sabik na sabik parang uhaw na uhaw. But in real life hindi naman ako ganu’n. 

“Naka-relate lang ako sa may scene kasi du’n na nahuli ko na sila na may ginagawang something and then na-turn off na ako sa kanya. 

“Binigyan ko sila ng bad sign sa kamay and sobrang nakakatawa yung part na yun and na-relate ko lang du’n yung sarili ko kasi pag ganu’n kasi lumalabas talaga ako, parang ganu’n. Du’n lang ako relate?” natatawang chika ng dalaga. 

View this post on Instagram

A post shared by Jela Cuenca (@jelacuencaa)


Kasunod nito, nabanggit nga ng sexy star na umaasa siyang darating din ang panahon na makapagbida siya sa mga action at horror movies in the future.

“Gusto ko maka-work sa Viva si Ms. Maui Taylor kasi ang lakas ng vibe niya and feel ko gusto ko siya makilala and maka-work of course. Gusto ko try yung action movies and horror. Pero kahit ano namang ibabato sa akin kaya ko naman at gagawin ko,” sey ni Jela.

Samantala, ipinagdiinan naman ng dalaga na kahit daw nagpapaseksi siya sa mga pelikula ay conservative pa rin siya sa totoong buhay.

“Natatandaan ko noong high school ako yung mga friends ko nanonood sila sa cellphone and then may one time na lunch break and pagsilip ko, kasi nagkukumpulan sila and akala ko movie ang pinapanood nila, yun pala porn site. 

“Ako kasi kapag nanonood ako ng ganun, I think I’m not open-minded. Kasi ayoko siya panoorin,” pag-alala ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tungkol naman sa mga nambabastos sa kanya online dahil sa pagiging sexy star, “Kapag may nambabastos sa akin sa social media, better to block ko na lang sila para at least hindi na hahaba and wala na rin akong mari-receive na galing sa kanila.”

AJ Raval, Angeli Khang, Jela Cuenca palaban sa hubaran; magpapainit bilang ‘VMX Crush’

Nakakaloka ang sex scenes sa ‘Palitan’ ni Brillante Mendoza; 4 na bida game na game na naghubo’t hubad

AJ Raval muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa bashers; 2 pang Viva artist inatake ng anxiety

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending