Hiyas ng Pilipinas pageant magdo-donate sa charity organizations
NAPILI ng Hiyas ng Turismo Pilipinas Foundation na i-donate ang proceeds ng inaugural edition ng Hiyas ng Pilipinas pageant na idadaos sa Pacific Grand Ballroom ng Waterfront Cebu City Hotel and Casino sa darating na March 27.
Ayon sa mga organizers, ang mga napiling charity organizations na magiging beneficiaries ng Cebu-based national pageant ay ang Missionaries of the Poor, Little Lambs, at Asilo de la Milagrosa.
Tatlumpu’t limang kababaihan mula sa iba’t ibang sulok ng bansa ang napili para maging bahagi ng maiden edition ng Hiyas ng Pilipinas.
“We are extremely delighted with how people responded on our calling for the empowered ladies across the country in the search for the first Hiyas Ng Pilipinas,” saad ng foundation base sa isang online interview ng Inquirer.
View this post on Instagram
Ayon sa organizers ng nasabing pageant ay layunin nila na makoronahan ang mga kandidatang nagtataglay ng lakas at magsisilbing “catalysts of beauty, culture and humanity.”
Saad nila, gagawin nila ang lahat para iparamdam sa mga kandidata na sila ay ganap nang reyna at nangangakong magkakaroon ng “fair and just competition”.
Dagdag pa nila, “We will make sure they will go back in their hometowns with great stories to tell.”
Sinisiguro rin ng Hiyas ng Turismo Pilipinas Foundation na world-class ang magiging pageant production para sa coronation ceremonies.
Pipili sa naturang pageant ang magiging representatives sa Miss Tourism World, Miss Elite, and Miss Tourism Queen International pageants.
Napili na si Shannon Tampon para irepresenta ang Pilipinas para sa Miss Elite pageant. Ang makokoronahan naman ngayong edition ang magiging delegate para sa susunod na taon.
Dapat ay lalaban na bago matapos ang 2021 si Tampon ngunit na-postpone ito dahil rin sa global spike ng COVID-19.
Nananatili ang kanyang appointment bilang unang representative ng Pilipinas sa Miss Elite dahil kinakailangang ipasa nang mas maaga ang mga requirements mula sa delegates bago ang schedule ng finals ng naturang pageant.
Lalaban naman ang local pageant veteran sa second edition ng Miss Elite pageant sa Egypt ngayong darating na Hunyo.
Related Chika:
Bagong national pageant inilunsad sa Cebu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.