Teresa Loyzaga masaya sa muling pagkikita nina Cesar at Diego: You make me proud, son!
LABIS ang tuwa ng dating aktres na si Teresa Loyzaga matapos ang muling pagkikita ng kanyang anak na si Diego Loyzaga at ama nitong si Cesar Montano matapos ang pitong taong di pagpapansinan.
Noong Huwebes ng gabi, March 3, nang mag-post ang binata sa kanyang Instagram account ng mga larawan kung saan magkasama ang dalawa galing sa paglalaro ng basketball.
“7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again. I apologise for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would. One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today,” saad ni Diego sa kanyang post.
Ito ang unang pagkakatoan na muling nagkita ang mag-ama matapos ang kanilang hindi pagkakasunduan kaya naman masaya ang ina ni Diego na si Teresa unti-unti ay nagiging maayos ang lahat para sa kanyang anak.
View this post on Instagram
Pinuri ng dating aktres ang tapang ng anak dahil ito na mismo ang nagpakumbaba at nag-reach out para makipag-ayos sa kanyang ama.
“You make me Proud son. [heart emoji] I love you.” saad ni Teresa sa post ni Diego.
Marami rin ang humanga sa dating aktres sa naging paraan ng pagpapalaki niya sa kanyang anak kay Cesar.
“Happy to them both maam Teresa…nakakaiyak makita magkasama ang mag ama… Diegs is very very good hearted son…proud of him,” saad ng isang netizen.
Hirit pa ng isa, “Sobrang ganda and ayos kasi ng pagpapalaki mo sakanya tita. ❤️ Sobrang buti ng puso talaga niyan ni Diego.”
Related Chika:
Nanay ni Diego nag-react sa mga tsismis kay AJ: May anak o wala, she’s a woman…ako po nanganak, naging single mom
Diego nagdiwang ng ika-26 na kaarawan. Amang si Cesar Montano hindi kabilang sa mga taong kanyang pinasalamatan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.