Diego nagdiwang ng ika-26 na kaarawan. Amang si Cesar Montano hindi kabilang sa mga taong kanyang pinasalamatan | Bandera

Diego nagdiwang ng ika-26 na kaarawan. Amang si Cesar Montano hindi kabilang sa mga taong kanyang pinasalamatan

Karlos Bautista |May 22,2021
facebook
share this

Diego nagdiwang ng ika-26 na kaarawan. Amang si Cesar Montano hindi kabilang sa mga taong kanyang pinasalamatan

Karlos Bautista - May 22, 2021 - 05:19 PM

Diego Loyzaga at Cesar Montano

Sa isang serye ng tweet ay inihayag ni Diego Loyzaga ang kanyang saloobin sa pagdiriwang ng kanyang ika-26 na kaarawan nitong Biyernes.

“26…. what can i say. When i was 20 i remember thinking that 26 was so so far away that i shouldn’t even worry about it. Feels like that was just yesterday and now im here.. 4 years away from 30. I know thats gonna come even faster,” ayon sa guwapong actor-model.

“I can definitely say i got to live the earlier part of my 20’s to the max and got to experience things that not everybody does. No ragrets… okay maybe one or two.. or 10. Okay maybe around 100. But now its time to get serious. Focus on work. Focus on my career,” dagdag pa ng lead actor ng teleseryeng “Encounter” sa TV5.

Si Diego ay anak ng actress na si Teresa Loyzaga at actor na si Cesar Montano.

Isang mahabang litanya ng pasasalamat ang sinabi niya sa Twitter, kung saan ay isa-isa niyang binanggit ang mga taong itinuturing niyang may malaking bahagi sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa kanyang buhay.

“Every single person who helped me through every single struggle that i went through, i owe it to you. Numero Uno, My mom Teresa Loyzaga,” wika niya.

Binanggit din niya ang kayang Tita Bing Loyzaga at mga pinsan at maging si Sunshine Cruz, na naging asawa rin ni Cesar.

At pati ang kanyang mga half-sisters sa kanyang Tita Sunshine na sina Angelina, Samantha, at Francheska ay kanyang pinasalamatan.

Siyempre hindi rin niya malilimutang banggitin ang kanyang girlfriend na si Barbie Imperial.

“But every single prayer i prayed for back in 2018 are all slowly being answered now. You are one of them Barbie Imperial.”

“Everyone close to me. And most especially, GOD. I was at a point back then that i didnt know what i wanted to do or how to do it anymore. I was in a pit that i didn’t know how to get out of,” ani Diego.

Pero kapansin-pansin na may isang taong hindi kasama sa mga mahal sa buhay na kanyang pinasasalamatan–ang amang si Cesar.

Nakaligtaan lamang kaya? O sadyang wala siyang naiisip na dahilan para banggitin ang pangalan ng ama sa mga taong kanyang pinahahalagahan sa kanyang ika-26 na kaarawan?

Kung anuman ang totoong dahilan ay siya na lamang ang nakakaalam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Happy Birthday, Diego.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending