Arjo Atayde hindi maninira ng kapwa para manalo sa eleksyon: That’s not my cup of tea
TODO-TODO ang suporta ng beteranong aktres na si Sylvia Sanchez sa anak na si Arjo Atayde na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-kongresista ng District 1 sa Quezon City.
Sa kanyang interview kay Ogie Diaz ay ikinuwento nito ang kanyang naging experience sa pag-iikot sa mga residente ng District 1 bilang hindi pa kayang mangampanya ng kanyang anak dahil kasalukuyan pa itong nasa lock-in taping.
Inusisa naman ng vlogger at talent manager kung nakaramdam ba ng takot si Sylvia sa desisyon ni Arjo na kumandidato sa darating na eleksyon.
Sagot ng aktres, “Wala akong takot na tumatakbo siya dahil alam kong totoo ‘yung gusto. Sincere ang anak ko sa pagtakbo. Gusto talaga n’yang tumulong. So alam ko totoong Arjo ‘tong humaharap sa kanila, nang walang halong pambobola, hindi nanloloko ng tao.”
Pero sa kabila ng malaking paniniwala niya sa anak, may takot siya sa mundong papasukin ng anak.
“Pero may takot ako doon sa alam naman natin, e. ‘Yung politika, magulo. Kung sa showbiz magulo, alam natin. Walang panama ang showbiz sa politika dahil dito minsan, involved dito ‘yung baril. May mga nangyayari. May mga barilan. Doon lang ako takot para sa anak ko,” paglalahad ni Sylvia.
View this post on Instagram
Inilahad rin niya na ang tanging dasal lang niya sa Diyos ay huwag magbago ang ugali ni Arjo sakaling manalo ito sa politika at mawala ang kabutihan nito dahil sa kapangyarihan.
“Basta ang tanging dasal ko lang talaga sa Diyos, ‘Lord kung karapat-dapat ang anak ko na manalo sa pagka-congressman sa District 1, then sige pi, panalunin N’yo po pero kung… ikasasama niya ‘to, magbabago siya, magiging hindi siya mabuting congressman, at magiging masama siyang tao, ako na po mismo naninikluhod sa Inyo. Huwag N’yo na po panalunin ang anak ko,” pagbabahagi ni Sylvia.
Inamin rin niya na marami na rin ang sumubok at nakipagnegosasyon kay Arjo na huwag na raw tumuloy sa pagtakbo ngunit desidido talaga ang aktor na tumakbo para makapagsilbi sa publiko dahil na rin sa mga nakikita nitong nangyayari sa kanilang lugar.
Hindi na rin naman daw nawawala ang mga taong naninira sa kanyang anak pero ipinagkibit balikat na lamang nila ito.
“Hindi kami lalaban ng sira. Old school ‘yung pangangampanya na siraan mo ‘yung kalaban mo. Siraan kami nang siraan, siraan nang siraan ang anak ko, ang napag-usapan at ang sinabi ni Arjo, ‘Hindi ako lalaban sa siraan, mommy kasi nandito ako paea magserbisyo… gusto kong tumulong sa tao. Hindi para manira ng kahit na sino lalung-lalo na ng kalaban ko. That’s not my cup of tea. Hindi ako ganu’n,” saad ni Sylvia.
Sa kabila nito ay may isa lang na bilin ang beteranang aktres sa kanyang anak.
“Nak, kapag nanalo ka, huwag kang magpadala sa power. The more na maging mapagkumbaba ka at saka tulungan mo ang buong District 1. Itanim mo ang pagmamahal sa District 1 kasi ‘yung pagmamahal, yung pakikisama, at pagiging mabuting tao na itinanim mo, babalik ‘yan sa ‘yo. Mamahalin ka rin ng mga taga-District 1.”
Related Chika:
Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin ‘yung milyon niya
Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.