True ba, Erich Gonzales ikakasal na sa non-showbiz dyowa? Bandera

True ba, Erich Gonzales ikakasal na sa non-showbiz dyowa?

Therese Arceo |February 19,2022
share this

True ba, Erich Gonzales ikakasal na sa non-showbiz dyowa?

Therese Arceo February 19, 2022 - 08:25 PM

True ba, Erich Gonzales ikakasal na sa non-showbiz dyowa?
NAUNA pa ngang mag-kasal reveal ang mga Marites ng bansa kay Erich Gonzales matapos kumalat ang larawan ng kopya ng kanyang marriage banns.

Kalat na kalat na nga sa social media ang kopya ng kanyang marriage banns kung saan makikitang ikakasala na siya sa kanyang non-showbiz dyowa na si Mateo Rafael Lorenzo.

Bukod rito ay makikita rin ang ilang mga detalye sa kumakalat na kopya ng marriage banns gaya ng mga pangalan ng magulang, address, at edad na tumutugma naman sa information ukol kay Erich.

Base sa larawan ay nakatakdang magpakasal ang dalawa ngayong March 23, 2022 sa Saint James the Great Parish na matatagpuan sa Alabang, Muntinlupa City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg)


Ang marriage banns ay ang anunsyo ng isang simbahan para ipaalam sa publiko ang nalalapit na kasal ng dalawang tao.

Nang i-stalk namin ang social media accounts ni Erich ay wala namang siyang senyales sa kanyang nalalapit na kasal.

Kahit ang latest vlog niya na uploaded ngayong araw ay tungkol lamang sa isa sa kanyang mga endorsements.

Wala pa ring pahayag si Erich ukol sa napapabalitang kasal niya sa social media.

 

Related Chika:
Secret fantasy ni Enchong, ‘kinky stuff’ sa eroplano; Erich 4 ang gustong anak
Erich na-challenge sa lock-in taping, puring-puri sina JC at Carlo: Aura pa lang pampa-good vibes na

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending