Janine Gutierrez in-unfollow nga ba si Julie Anne San Jose sa Instagram? | Bandera

Janine Gutierrez in-unfollow nga ba si Julie Anne San Jose sa Instagram?

Therese Arceo - February 16, 2022 - 02:08 PM

Janine Gutierrez in-unfollow nga ba si Julie Anne San Jose sa Instagram?

MARAMI sa mga netizens ang nakapansin na tila wala na si Janine Gutierrez sa listahan ng mga nagpa-follow kay Julie Anne San Jose sa Instagram.

Nang i-check namin ang account ng Kapamilya star ay wala na nga si Julie Anne sa kanyang following pero nananatili pa rin namang naka-follow ang Kapuso singer-actress kay Janine.

Mapapansin na noon pa man ay madalas na ang pag-puso o pag-like ni Julie Ann sa mga IG posts ni Janine.

May koneksyon kaya ang pag-unfollow ng Kapamilya star sa bali-balitang mas lalong nagiging malapit ng aktres sa ex-boyfriend niyang si Rayver Cruz.

Nang tignan naman namin ay naka-follow pa rin naman siya sa dating kasintahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

Matatandaang Nobyembre 2021 nang lumabas ang kumpirmasyon na tuluyan nang nagtapos ang apat na taong relasyon nina Janine at Rayver.

Ayon sa source na malapit sa dalawa ay kakulangan daw ng oras sa isa’t isa ang naging dahilan ng kanilang break-up dahil na rin sa paglipat ng network ni Janine at walang third party involved.

Bago pa man kasi napabalita ang paghihiwalay ng dalawa ay may kumakalat na ring mga chika na napapalapit na ang aktor sa co-host niya sa “The Clash”.

Samantala, nag-boom naman ang tambalan nina Janine at Paulo Avelino sa kanilang Kapamilya series na “Marry Me, Marry You”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nananatili namang tahimik si Janine ukol sa isyung ito marahil ay dahil abala ito sa kanyang mga ongoing projects.

 

Related Chika:
Julie Anne sa posibilidad na maging sila ni Rayver: Masaya naman maging masaya, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat
Rayver, Julie Anne iwas na iwas sa panunukso nina Pokwang at Pekto, pero may pasorpresa sa fans
David naglabas ng feelings kay Julie Anne: Nasa kanya na lang kung o-oo siya o hindi…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending