Rayver, Julie Anne iwas na iwas sa panunukso nina Pokwang at Pekto, pero may pasorpresa sa fans | Bandera

Rayver, Julie Anne iwas na iwas sa panunukso nina Pokwang at Pekto, pero may pasorpresa sa fans

Reggee Bonoan |January 06,2022
facebook
share this

Rayver, Julie Anne iwas na iwas sa panunukso nina Pokwang at Pekto, pero may pasorpresa sa fans

Reggee Bonoan - January 06, 2022 - 05:00 PM

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

ALIW ang netizens dahil binabantayan naman nila ngayon ang bawa’t kilos at post sa kani-kanilang mga social media account nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.

Matagal nang tinutukso ang dalawa at sa katunayan ay marami na silang fans na tinawag na JulieVer, kahit noong may karelasyon pa si Rayver ay suportado na ang tambalan nila ni Julie Anne.

Tulad na lang noong nakaraang New Year’s countdown ng GMA 7, talagang kinilig ang supporters ng JulieVer nang iiwas ng TV host-actor ang kanyang ka-loveteam sa mga firecrackers. Baka raw kasi tumalsik sa damit ng TV host-actress.

Nakakakilig nga naman talaga na makita mo ‘yung magkapareha na ganu’n alagaan ang isa’t isa, hindi lang namin alam kung anong naramdaman ni Julie Anne sa gesture na yun ni Rayver.

Anyway, sa nakaraang episode ng “All Out Sundays” ay pinagtripang kulitin nina Pokwang at Pekto ang magka-loveteam.

Sabi ni Pokwang, “Ayoko sanang tanungin ‘to pero bilang tsismosa ‘ko, Rayver, alam na ng buong mundo na single ka na. Ready ka na bang magmahal muli?”

Matatandaang noong Okt. 1 ay nakipaghiwalay si Janine Gutierrez kay Rayver na ang rason ay gusto muna nitong mapag-isa. Bagama’t masakit ay ibinigay ng aktor ang kalayaang hinihingi ng aktres.

At ang sagot ni Rayver sa tanong ni Pokwang, “You know what, guys, hinay-hinay lang muna, pero tama ‘yung sinabi mo (single).”

Nagkatawanan ang lahat sa “AOS”. At si Julie Anne naman ang tinanong ni Pekto, “Nararamdaman mo ba ngayong 2022, magiging limitless na ang love life mo?”

Diretso ang sagot ng dalaga, “We will see. God knows.”

Hiwayan na naman ang mga nasa loob ng studio kaya buhay na buhay ang JulieVer supporters dahil sa sagot ng aktres.

Tiyak na matutuwa ang fans ng dalawa dahil magkakaroon na sila bagong TV series.

Nag-storycon na sila at inaayos na lang kung kailan ang taping, lalo’t nasa Alert Level 3 na naman ang buong Metro Manila at karatig bayan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

View this post on Instagram

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julie Anne sa pagkabigo sa pag-ibig: Bakit? Ako ba yung nagkulang, saan ako nagkamali?

Rayver na-shock, natulala nang makita ang bonggang design ng bagong bahay

                                                     

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending