Heart bumili ng bag na milyones daw ang halaga: Pak! OMG! Lintek! Charot! I'm so happy! | Bandera

Heart bumili ng bag na milyones daw ang halaga: Pak! OMG! Lintek! Charot! I’m so happy!

Ervin Santiago - February 16, 2022 - 12:33 PM

Heart Evangelista

“I WORKED hard for it. So, wala na siyang magagawa!”

Iyan ang nasabi ng Kapuso actress na si Heart Evangelista matapos bumili ng bagong Hermès bag noong rumampa siya sa Paris Fashion Week ilang araw na ang nakararaan.

Ang asawa niyang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang pinatutungkulan niya sa kanyang pahayag na wala na ngang magagawa dahil nasa kanya na ang sosyaling bag.

Ibinandera ng aktres at fashion icon sa bago niyang vlog sa YouTube ang ilang mahahalagang kaganapan nang magtungo sita sa Paris, kabilang na nga riyan ang pagbili niya ng mamahaling bag.

Ayon kay Heart, huwag daw mag-alala ang kanyang mga supporters dahil alam ito ng asawa niyang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero. Pumayag ang politiko na mag-shopping siya sa dalawang luxury boutique sa Paris — sa Hermés at sa Cartier.

In fairness, talagang winelkam nang bonggang-bongga ng Hermès executive na si Michael Coste si Heart nang muli silang magkita sa Paris. Ibinalita pa mismo ni Michael Coste sa Instagram ang reunion nila ng aktres noong Jan. 28.

Sa video na ipinost ni Heart, hindi na talaga siya nakapaghintay sa sobrang excitement at binuksan na ang box ng bagong purchase na Hermès sa loob ng kanyang sasakyan

“So, sabi niya magpalit na daw ako. Dapat magpalit na daw ako ng bag sabi ni Michael, so I’m changing my bag.

“Because he said that he got this bag for me to match my outfit. I’m so…this is official, okay!
“This is declared to my husband and I worked hard for it..So wala na siyang magagawa!” chika ng aktres.

View this post on Instagram

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Kasunod nito, excited niyang ipinakita sa mga netizens ang nabiling mamahaling bag sabay sabing, “Pak! Oh my god! Lintek! Charot! I’m so happy!”

Hindi binanggit ni Heart kung anong bag ang nabili niya ngunit marami ang magkomentong netizens na isa itong Hermès Mini Kelly Sellier II in “Craie”. At hindi rin niya sinabi ang price tag nito.

But for your reference, ayon sa isang fashion website, ang isang Hermès Mini Kelly Sellier II in Matte Alligator skin ay nagkakahalaga ng 98,967 US dollars o P5.1 million.

https://bandera.inquirer.net/304927/heart-iyak-nang-iyak-habang-nasa-paris-fashion-week-i-was-very-stressed-kasi-ako-lang-nag-iimpake

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305551/heart-nakatapak-ng-poo-poo-ng-aso-habang-rumarampa-so-nangangamoy-ako-sa-fashion-show
https://bandera.inquirer.net/283737/jessy-mendiola-nagbenta-ng-chanel-wallet-may-problema-na-ba-sa-pera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending