Sen. Nancy Binay sinopla si Edu Manzano: Di ka naman nakatrabaho ng dad ko | Bandera

Sen. Nancy Binay sinopla si Edu Manzano: Di ka naman nakatrabaho ng dad ko

Therese Arceo - February 10, 2022 - 05:23 PM

Sen. Nancy Binay sinopla si Edu Manzano: Di ka naman nakatrabaho ng dad ko
DINEPENSAHAN ni Sen. Nancy Binay ang kanyang amang si Jejomar Binay laban sa aktor at dating Makati City Vice Mayor na si Edu Manzano.

Ito ay matapos ibahagi ng aktor na hindi niya iboboto ang ama nitong si Jejomar Binay na kasalukuyang tumatakbo bilang senador sa May, 2022 elections.

“I’m sorry but Binay is not my candidate. Worked with him for 3 years and saw it all. Eill post COA documents sion. I have them all,” saad ni Edu sa kanyang tweet nitong February 9.

“Natalo po si Jojo Binay as congressman first district of Makati in 2019 after losing the vice presidency in 2016. Corruption hounded his candidacy,” dagdag pa nito.

Isa si Edu sa mga artista na hayagan ang ipinapakitang suporta kay Vice President Leni Robredo na kasalukuyang tumatakbo sa pagkapangulo.

Ngunit sa kabila ng pagsuporta niya rito ay ang hati niyang pananaw sa mga ineendorsong senador ng kampo ni Robredo.

Isa kasi si Binay sa senatorial ticket ni VP Leni.

Agad namang rumesbak si Sen. Nancy Binay upang ipagtanggol ang ama.

“Wait, di ba never ka naman nakatrabajo ng Dad ko? Hmm… ang alam ko lang tinalo ka nya not once but twice,” mainit na pahayag ng senadora na may pa-hashtag pang #AmpalayaPaMore #BeNice

Paglilinaw naman ni Edu, isang beses lang daw siyang natalo taliwas sa sinabi ni Sen. Nancy na twice siyang tinalo ng kanyang ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
OOTD ni Nancy Binay sa SONA 2021 aprub sa madlang pipol; bumata na, pumayat pa
Relasyong Cherry Pie, Edu aprub sa mga celebs pero ninega ng ilang bashers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending