OOTD ni Nancy Binay sa SONA 2021 aprub sa madlang pipol; bumata na, pumayat pa
SA wakas, pinuri naman ng netizens at ilang showbiz personalities si Sen. Nancy Binay sa nakaraang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang magandang aura at swak na swak na OOTD o outfit of the day.
Sa mga nakaraang SONA kasi na dinaluhan ng senadora, simula pa noong panahon ng namayapang Pangulong Noynoy Aquino ay parati na lang siyang nilalait, pinagtatawanan at ginagawan ng memes dahil sa mga kasuotan niyang hindi akma sa kanya.
Tandang-tanda pa namin na ginawang memes ang suot niyang palda na kulay berde na ikinumpara sa logo ng kilalang vinegar brand.
At ngayong 2021 sa huling SONA ni PRRD ay ginulat ni Senadora Nancy ang lahat dahil looking young and fresh daw siya. Pati nga kami ay hindi siya halos nakilala.
Ang sosyal ng dating niya sa kanyang palazzo o square white pants with matching see-through blouse pati na ang long hair niyang may kulay sa dulo at higit sa lahat, nabawasan din ang kanyang timbang.
Ipinost ng senadora ang mga larawan niya sa ginanap na SONA na may caption na, “Opening of the 3rd Regular Session of the 18th Congress #balikSenado #1stDay.”
Komento nga ng aktres na si Cristina Gonzales-Romualdez, “Guapa (heart emoji).”
Isang heart emoji naman ang ipinost ng asawa ni Sen. Miguel Zubiri na si Audrey Tan-Zubiri bilang reaksyon sa IG photo ni Sen. Binay.
Say ni @sheila_salvador_uy, “Young and blooming sen.”
Sabi naman ni ex-Sen. Loren Legarda, “Ang payat! Nice long hair. Looking good.”
Halos ganito rin ang iba pang komento ng mga netizens patungkol kay Senadora Nancy kaya malamang masasabihan niya ng “good job” ang kanyang stylist, make-up artist at hairdresser.
At naaliw kami sa bagong post niya ngayong araw, kinunan kasi ng senadora ang tambak na niyang mga labada niya. Ang caption niya rito ay, “Balik labada #natambakan #sunshinepls #kulobseason.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.