Annabelle Rama bet na bet ang 'special someone' ni Ruffa: Magkakampi talaga sila ngayon Bandera

Annabelle Rama bet na bet ang ‘special someone’ ni Ruffa: Magkakampi talaga sila ngayon

Ervin Santiago |February 08,2022
share this

Annabelle Rama bet na bet ang ‘special someone’ ni Ruffa: Magkakampi talaga sila ngayon

Ervin Santiago - February 08, 2022 - 02:53 PM

Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez

HINDI pa man diretsahang umaamin sina Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez sa tunay na estado ng kanilang relasyon marami na ang nagsasabing boto sila sakaling magkatuluyan man ang dalawa.

Kahit naman daw ang nanay ni Ruffa na si Annabelle Rama at ilan pang kapamilya at kaibigan niya ay aprubado rin kay Bistek bilang next partner niya.

Matagal na ring napapabalita na may “something” na nga sa pagitan ng actress-beauty queen at ng actor-politician pero until now ay wala pa rin itong kumpirmasyon mula sa dalawang celebrities.

Mas tumibay pa ang mga resibo at ebidensiya ng mga netizens tungkol sa rumored relationship nina Bistek at Ruffa nang magkasama silang nag-celebrate ng Christmas last December kasama ang pamilya ng aktres.

Sa nakaraang guesting ni Ruffa sa “Magandang Buhay” nasabi nito ang mga katagang “a happy life is a private life”. Ito ang sagot niya nang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang love life. 

Natanong kasi ang aktres about her “special someone” na hindi pa rin niya mabanggit-banggit hanggang ngayon ang pangalan pero ang feeling ng madlang pipol, si Bistek nga ang kanyang tinutukoy.

Sey ni Ruffa, “To answer your question, walang ganap. Kasi kung saan-saan umiikot.” 

“I think ang masasabi ko now, platonic siya (relationship). Para siyang mentor ko. Parang mentor lang ‘yung peg. Ako ‘yung estudyante slash experiment,” dagdag pang chika ni Ruffa kasabay ng pagsasabing busy sila ngayon sa kani-kanilang career.

At sa tanong kung boto ba ang nanay niyang si Annabelle Rama sa tinutukoy niyang “special someone,” “Si Mommy, bet ito kasi ibang klase ito. 

“Hindi ko alam, kunwari may sarili akong lakad, tatawag na lang si Mommy, ‘hulaan mo kung sino ang nandito, dalawang oras. Nakipag-chikahan sa amin, may dala-dalang pagkain.’ ‘Yung ganoon. Maybe it’s the Filipino way. 

“Kasi medyo matagal-tagal na akong hindi nag-e-entertain ng mga Pinoy. Hello, the Filipino men. Nakalimutan ko ganyan pala very respectful, you know slow, steady.

“Sabi ni Mommy, gusto niya, kasi walang pressure, hindi lumalabas. Gustung-gusto ni Mommy kasi silang dalawa parang magkakampi na nasa bahay lang ako nag-aaral,” chika pa ni Ruffa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


Ayon pa sa chika, mas naging close sina Herbert at Ruffa nang gumanap silang mag-asawa sa Kapamilya romantic-comedy series “The House Arrest of Us” na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ruffa sa height ni Herbert: Half of Filipino men are shorter than me

Annabelle Rama: Magandang influence si Herbert kay Ruffa

Ruffa, Herbert magkasamang nag-celebrate ng Pasko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending