#DamingGanap: Willie, Aga may niluluto nang proyekto para sa TV network ng pamilya Villar | Bandera

#DamingGanap: Willie, Aga may niluluto nang proyekto para sa TV network ng pamilya Villar

Reggee Bonoan |February 08,2022
facebook
share this

#DamingGanap: Willie, Aga may niluluto nang proyekto para sa TV network ng pamilya Villar

Reggee Bonoan - February 08, 2022 - 11:31 AM

Willie Revillame, Aga Muhlach at Charlene Gonzales

NAG-POST si Aga Muhlach kagabi sa Instagram ng larawang kasama nila ni Charlene Gonzales-Muhlach ang TV host na si Willie Revillame sa kanilang tahanan.

Nasa hapagkainan ang tatlo at ang caption na isinulat ni Aga ay, “Masayang kwentuhan… Maraming salamat sa surpresang pagbisita samin, Wil! #damingganap @itsmecharleneg.”

Hmmm, napaisip kaming bigla na baka may offer si Willie sa longtime friend niyang si Aga para sa Advance Media Broadcasting System (channel 2) na pag-aari ng pamilya ni dating Sen. Manny Villar?

Wala pa namng kumpirmasyon kung si Willie ang mamumuno sa bagong TV station ng mga Villar base sa kumalat na tsika.

Pero hindi naman ito malayong mangyari dahil kilalang business partners nga sina dating senador Manny Villar at Willie Revillame.

Matagal na ring nababalita noong dumadalaw sina Aga at Charlene sa Mindoro property ni Willie na may mga binubuo silang proyekto na hindi naman matuluy-tuloy.

View this post on Instagram

A post shared by Aga Muhlach (@agamuhlach317)


Anyway, kaabang-abang kung anuman ang niluluto nina Willie at Aga dahil sabi nga ng huli, “Surpresang pagbisita.” 

Si Willie pa naman ay hindi basta-basta pumupunta o bumibisita sa mga kilalang personalidad kung wala siyang mahalagang pakay dahil bawa’t minuto sa kanya ay mahalaga.

Samantala, marami naman ang nagtatanong kung bubuksan ba ng mga taong mamumuno sa TV station ng mga Villar ang mga dating empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho mula nang ipatigil ng kongreso ang operasyon ng network.

Pwede rin kayang mapanood o gumawa ng proyekto sa AMBS ang mga artistang nagtatrabaho dati sa Kapamilya Network na hindi na nabigyan ng work simula noong magkapandemya? Yan ang dapat nating abangan.

Bagong kontrata ng ‘Wowowin’ sa GMA handa na, pero si Willie ang hindi pumirma, bakit nga kaya?

Anak nina Aga at Charlene na si Atasha pak na pak maging Miss Universe

Aga, Charlene nagpositibo sa COVID habang nagbabakasyon sa US: Praying for complete healing…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending