Ogie humingi ng sorry kay Angeline: Nauna tayong mag-gender reveal sa kanya
HUMINGI ng tawad ang talent manager na si Ogie Diaz sa singer-actress na si Angeline Quinto sa kanyang showbiz update vlog kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.
Tila napangunahan kasi niya ang singer-actress na i-reveal kung ano nga ba ang kasarian ng kanyang dinadala.
Sa latest vlog ni Vice Ganda ay ibinahagi niya ang naging kaganapan sa gender reveal party ni Angge na parang kapatid na rin ng komedyante.
Dito ay ibinunyag niya na lalaki ang kanyang magiging first baby sa kanyang non-showbiz dyowa.
“Hay nako, nay! Alam mo parang ‘yung mga tao sa na hihingi ng prediction kasi ang galing-galing mo e! Di ba dati mo pa sinabi na lalaki ang magiging anak ni Angeline Quinto?” sabi ni Mama Loi kay Ogie.
“Gusto ko pa lang humingi ng sorry kay Angeline. Nauna tayong mag-gender reveal sa kanya,” saad ni Ogie.
May mga netizens pa nga ang natawa dahil nauna pa raw siyang magsabi kaysa sa ina ng bata.
Masaya naman sila para sa bagong journey na tatahakin ng singer-actress.
“Tayo naman ay tuwang-tuwa para kay Angeline dahil habang siya ay nagbubuntis, mukha namang malusog ang bata. Mukhang masayang bata ang kanyang isisilang,” dagdag pa niya.
View this post on Instagram
Matatandaang noong December 2021 ay kinumpirma ni Ogie sa kanyang showbiz update vlog na limang buwan nang nagdadalang tao si Angeline.
Aniya, mayroon daw silang common friend ng singer-actress na nagsabi sa kanya ukol sa pregnancy ng singer-actress.
“May common friend kami ni Angeline na nag-chika sa akin na five months ng preggy sa isang non-showbiz at lalaki ang first baby. Yehey!” saad ni Ogie.
Sa ngayon ay abala naman si Angeline lalo na’t kakalipat lang niya sa bagong tinitirhan at nalalapit na rin ang kanyang panganganak.
Related Chika:
Angeline Quinto kumpirmadong five months preggy sa non-showbiz dyowa
Angeline sinorpresa ni Vice sa gender reveal party, lalaki ang 1st baby: Sa ngayon pa lang iyan, boy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.