Regine nakarating sa ABS-CBN nang nakatsinelas: Nakakaloka! | Bandera

Regine nakarating sa ABS-CBN nang nakatsinelas: Nakakaloka!

Therese Arceo |February 01,2022
facebook
share this

Regine nakarating sa ABS-CBN nang nakatsinelas: Nakakaloka!

Therese Arceo - February 01, 2022 - 05:09 PM

Regine nakarating sa ABS-CBN nang nakatsinelas: Nakakaloka!

HINDI maitago ng Asia’s Songbird Regine Velasquez ang pagkaloka nang mapansin niya na nakarating siya ng ABS-CBN na suot suot lamang ang kanyang tsinelas na pambahay.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito ang larawan ng kanyang paa na nakasuot ng lumang tsinelas.

“Eh kumusta naman yung nakalimutan kong magpalit ng sapatos. Akalain mo bang nakarating ako ng ABS na nakatsinelas as in pang bahay na tsinelas,” nakakatawang saad ni Regine.

Aniya, sa sobrang nipis daw ng kanyang suot ay ingat na ingat siya sa paglalakad dahil natatakog siya na baka bigla na lamang itong mapigtas.

Dagdag pa ni Regine, “Sa sobrang luma dati may design to nabura na kakasuot ko!!!!!! Nakakaloka!!!!!”

May pabirong request pa nga siya para sa darating niyang birthday sa Abril.

“By the way sa birthday ko paki bigyan nyo nga akong bagong tsinelas!!!!!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)

Marami naman ang naaliw sa nakakalokang ganap ng Songbird.

“Hahahahaha! Dami kong tawa dito ate. Relate na relate ako,” comment ni Kyla.

Comment naman ni Darla Sauler, “Noted sa tsinelas ate hahaha! See you kape lang hahaha”

Di naman papahuli ang asawa ni Regine na si Ogie Alcasid.

“Bigyan kita honey,” sey ni Ogie na ikinakilig naman ng mga netizens.

Hirit ng isang netizen, “Sweet oh. Ayan mama Regine bibigyan ka na raw ng slipper ng pinakamamahal mo po ba husband. Ganon ka po ka-love na love mama reg. Lahat ibibigay nya sayo. Pero mas importante pa rin ‘yong pagmamahal at pag-aalaga ni Papa Ogie sayo.”

Madalas nang makikita ngayon si Regine dahil pansamantala siyang parte ng morning show na “Magandang Buhay”.

Kamakailan ay kinagiliwan si Ate Reg sa kanyang surprise visit sa “It’s Showtime” kung saan game na game siyang nakipagkulitan sa asawa niya pati na rin sa ibang hosts ng nasabing programa.

Naaliw rin ang mga netizens sa kanyang post kung saan parte ang kanyang pangalan sa Top 30 names ng mga Marites.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yung nasa top 30 ka ng mga Marites sa bansa. My name is not that common right? So malamang ako talaga yun,” sey ni Regine.

Related Chika:
Tsinelas, sandals, tattoo nina Paolo at Yen ebidensya nga ba sa viral video na nakunan sa Baguio?
Regine binigyan ng ‘blue rhinoceros’ ng feng shui expert para ilayo sa tukso si Ogie — epektib kaya?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending