Regine binigyan ng 'blue rhinoceros' ng feng shui expert para ilayo sa tukso si Ogie — epektib kaya? | Bandera

Regine binigyan ng ‘blue rhinoceros’ ng feng shui expert para ilayo sa tukso si Ogie — epektib kaya?

Ervin Santiago |February 01,2022
facebook
share this

Regine binigyan ng ‘blue rhinoceros’ ng feng shui expert para ilayo sa tukso si Ogie — epektib kaya?

Ervin Santiago - February 01, 2022 - 09:31 AM

Ogie Alcasid at Regine Velasquez

GUMAMIT din pala ng “pangontra” ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez para makaiwas ang asawang si Ogie Alcasid sa mga babae.

Ang tinutukoy ng singer-actress at TV host ay ang asul na pigurin ng isang rhinoceros na ipinuwesto niya sa ilalim ng table. 

Inalala ni Regine ang eksena noong nagsisimula pa lamang silang magsama ni Ogie sa isang bahay kung saan may nakausap silang feng shui expert.

Sinabi nito sa kanila na talagang lapitin daw ng mga babae ang veteran singer-songwriter kaya nag-suggest ito kung ano ang pwedeng gawin ng Songbird para ilayo sa tukso ang asawa.

“We were staying na in one house hindi pa lang namin sinasabi na we’re staying together na. Nagpa-feng shui kami, tapos ‘yung babae na nagpu-feng shui, sabi niya, ‘Naku si Boss Ogie parang lapitin ng babae. 

“So, binigyan niya kami ng blue rhinoceros, sabi niya kailangan daw  ilalagay ko siya sa ilalim ng table,” kuwento ni Regine sa “Magandang Buhay” kahapon, Jan. 31 bilang bahagi ng Chinese New Year celebration.

Patuloy pa niyang chika, “Tawa ako nang tawa. ‘Yung asawa ko apparently naniniwala siya roon.

Tawang-tawa ako roon sa talaga ba hindi ka na lalapitan ng mga babae kapag mayroon tayong rhinocerus.”

View this post on Instagram

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)


Ngunit pagtatapat ng Kapamilya singer-actress  parang hindi naman daw naging epektib ang blue rhinoceros bilang pangontra sa mga tukso.

“Kasi alam mo ang asawa ko he is very charming. He’s a singer na malaking plus ‘yon sa kababaihan. Hindi ba ‘yung tumutugtog lang ng gitara (tumitili) na tayo eh ‘yung kakantahan ka pa. 

“Tapos nakakatawa talaga siya. So kahit ‘di niya sinasadya nalalapitan talaga siya ng babae. Tapos alam na alam ko na kapag nilalandi siya,” dagdag pang kuwento ni Regine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Last December, nag-celebrate ang celebrity couple ng kanilang 11 wedding anniversary, patunay lamang na patuloy pa ring tumitibay at nagiging solid ang kanilang relasyon — may blue rhinoceros man sa ilalim na table o wala.

Pampaswerte sa 2022: Bagong underwear, red at yellow gold dress, tiger…at mag-move on na sa ex-dyowa

Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending