Anthony Taberna umalma sa akusasyong 'biased' daw si Jessica: 'Yung titirahin 'yung host mali 'yun | Bandera

Anthony Taberna umalma sa akusasyong ‘biased’ daw si Jessica: ‘Yung titirahin ‘yung host mali ‘yun

Therese Arceo - January 25, 2022 - 03:53 PM

Anthony Taberna umalma sa akusasyong 'biased' daw si Jessica: 'Yung titirahin 'yung host mali 'yun

UMALMA ang broadcaster na si Anthony Taberna sa “biased” remark ng kampo ng presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr laban kay Jessica Soho.

Sa kanyang Facebook live noong January 23 ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin ukol sa isyu ng hindi pagtanggap ng dating senador sa imbitasyon ng GMA Network na maging parte ito ng “The Jessica Soho Presidential Interviews”.

Aniya, naiintindihan niya ang hindi pagpapunlak ni Bongbong sa interview pero ang hindi nya matanggap ay ang sinabi ng kampo nito na “biased” raw ang host ng presidential interviews kaya nila ito tinanggihan.

“Okay naman sana pero tingin ko ‘di tamang katwiran ‘yung biased si Jessica Soho. Wala sa hulog ‘yung pangangatwiran na ‘yun. Sabihin n’yo na lang na ayaw n’yong magpa-interview, tapos!” saad ni Ka Tunying.

 

 

Aniya, imbes na sabihin na “biased” ang isang media person ay inabisuhan niya na lamang ang mga kandidato na busy sila dahil hindi naman illegal kung tatanggi sila sa mga interview requests.

“Tapatin n’yo na ‘yung nag-iinterview kaysa siraan n’yo pa na biased… Kapag tinanong ka tapos ‘di mo gusto ‘yung tinanong, biased na agad ‘yung nagtanong? Siyempre media ‘yun, tatanungin ka ng gusto itanong basta hindi labag sa batas. So okay lang ‘yun. Kung ayaw n’yang pumunta sa interview, okay lang ‘yun. Pero kung titirahin pa ‘yung host, para sa akin, mali ‘yun,” dagdag pa ni Ka Tunying.

Giit pa ni Anthony Taberna, lahay naman daw ng mga media outlets ay biased at kahot siya raw ay biased, “biased sa katotohanan”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod rito, itinanggi rin ni Ka Tunying ang mga kumakalat na balita na balitang mayroon siyang severe COVID-19.

Related Chika:
Ka Tunying naniniwalang magaling na ang anak na may leukemia: Siya ang pinakadakilang Manggagamot!
Resto ni Ka Tunying pinagnakawan ng taong pinagkatiwalaan: Sobrang sakit sa pakiramdam
‘John Lloyd joke’ ni Ka Tunying bentang-benta; Igan kinumpirma ang pagbabalik-TV ni Lloydie

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending