'John Lloyd joke' ni Ka Tunying bentang-benta; Igan kinumpirma ang pagbabalik-TV ni Lloydie | Bandera

‘John Lloyd joke’ ni Ka Tunying bentang-benta; Igan kinumpirma ang pagbabalik-TV ni Lloydie

Ervin Santiago |December 16,2020
facebook
share this

‘John Lloyd joke’ ni Ka Tunying bentang-benta; Igan kinumpirma ang pagbabalik-TV ni Lloydie

Ervin Santiago - December 16, 2020 - 09:07 AM

BENTANG-BENTA ang paandar ng TV and radio host na si Anthony Taberna sa kanyang social media account gamit ang litrato nila ni John Lloyd Cruz.

Talagang super react ang mga netizens, kabilang na ang ilang kilalang celebrities sa ipinost niyang photo sa Instagram kung saan kasama nga niya si Lloydie.

Aniya kasi sa caption, pinalusot daw siya ng isang Metro Manila Development Authority (MMDA) enforcer matapos siyang parahin nito dahil wala siyang lisensiya.

E, kasi raw napagkamalan siya ng traffic enforcer na si John Lloyd.

Caption ni Ka Tunying sa IG photo nila ng aktor, “MMDA Enforcer to me: Sir, coding po. Lisensya po.

“Me: Sorry sir, heto po lisensya ko.

“MMDA Enforcer: Ay Sir John Lloyd, ikaw pala yan! Sige na po!”

Of course, nagbibiro lang ang dating news anchor at TV host ng ABS-CBN dahil hanggang ngayon ay suspended pa rin ang number coding scheme na nagsimulang ipatupad noong mag-lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Marami sa IG followers ni Ka Tunying ang nagkomento na hindi naman daw talaga sila nagkakalayo ng itsura ni John Lloyd kaya hindi nila masisisi ang MMDA traffic enforcer kasunod ang heart at laughing emojis.

Ilan sa mga celebrities na nag-react sa post ni Ka Tunying ay sina Gretchen Ho, MJ Lastimosa at marami pang iba.

May mga nagsabi naman na hanga at saludo sila kay Ka Tunying sa pag-handle ng mga personal niyang problema dahil sa kabila nga ng mga pinagdaraanan nilang pagsubok ngayon sa pamilya, kabilang na ang pakikipaglaban ng anak niyang si Zoey sa leukemia ay nagagawa pa rin nitong magpasabog ng good vibes sa madlang pipol.

Samantala, bukod kay Anthony, nag-share rin ang Kapuso news anchor na si Arnold Clavio ng isang maikling video clip ng pagkikita nila ni John Lloyd kamakalawa.

Caption niya sa photo nila ng aktor, “Isang gabi ng kuwentuhan at tawanan with @johnlloydcruztm. Abangan ang kanyang pagbabalik sa ilalim ng @brightlightprodph. Good night mga ‘iGan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibig sabihin lang nito, tuloy na tuloy na ang pagbabalik sa telebisyon ni John Lloyd. Ayon sa chika, bibida ang aktor sa isang sitcom na mapapanood sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending