Claudine: Si Marjorie at ako, we were civil naman...wala nang gulo at may peace na | Bandera

Claudine: Si Marjorie at ako, we were civil naman…wala nang gulo at may peace na

Ervin Santiago - January 25, 2022 - 12:39 PM

Claudine Barretto at Marjorie Barretto

“IT was such a touching experience!” Ganito inilarawan ni Claudine Barretto ang pagkikita-kita muli ng kanilang pamilya sa kanilang New Year celebration.

Nabigay ng kaunting detalye ang aktres tungkol sa pagbabati nila ng nakatatandang kapatid na si Marjorie Barretto sa muling pagharap niya kagabi sa media para sa digital presscon ng comeback movie niyang “Deception”.

Natanong kasi siya kung anu-ano pa ang mga bagong kaganapan sa buhay at career niya sa pagpasok ng 2022 at dito nga niya nabanggit ang pagkikita uli nila ni Marjorie sa kanilang family reunion bago magtapos ang 2021.

“My mom just got out of the hospital two days ago because of COVID,” ang simulang pagbabahagi ni Claudine sa members ng showbiz press.

“Yes, we had a great New Year. Sinalubong namin ang Bagong Taon na sobra-sobrang masaya dahil magkakasama kami ng pamilya, ng buong pamilya ko.

“It was such a touching experience. Nakaka-miss yung mga pamangkin ko, nakasama ko ulit.

“Si Marjorie at ako, we were civil naman, pero alam mong wala na, wala nang gulo. Alam mong may peace na,” masayang kuwento ni Claudine.

Dugtong pa niya, “It was, I think, the best New Year of my life. I’m sure, may dad’s so happy kasi nga magkasama kaming lahat.

“I was just able to enjoy my nephews and nieces again, after two years nung nagkagulo sa wake ng dad ko,” aniya pa. Pumanaw ang tatay ng Barretto sisters na si Miguel Barretto noong Oct. 15, 2019.

View this post on Instagram

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)


Samantala, nagkuwento rin ang single mom tungkol sa pagtakbo niyang konsehal sa Olongapo City. Pangako niya sa kanyang fans, mas magiging aktibo na siya sa showbiz after ng eleksyon sa May 9, 2022.

Sey ni Claudine, “After the campaign, I’ll be starting a movie already.

“Itong buong campaign period, I’m not allowed to do guestings or to come out on TV. So, tamang-tama, ipalalabas na yung Deception sa Vivamax sa January 28.

“After the elections in May, puwede na ulit akong mag-start ng bagong show. Meron akong show at pelikula na gagawin,” sabi pa ng estranged wife ni Raymart Santiago.

Dagdag pa niyang chika, sakaling manalo siya sa darating na eleksyon, ang unang tututukan niya ay ang social services sa Olongapo City.

Saad niya, “Social services, anything that’s under social services. Ang maganda kasi sa ticket namin, meron kaming doctors, meron kaming plataporma na, ‘Ikaw, ito ang gagawin mo.’

“May sari-sarili kaming mga homework at saka projects na dapat gawin namin. So, maganda talaga at talagang nagkakaisa kami sa ticket namin,” pahayag pa ng aktres.

Samantala, mapapanood na simula sa Jan. 28 ang “Deception” sa Vivamax kung saan makakatambal niya uli ang dating boyfriend na si Mark Anthony Fernandez, sa direksyon ni Joel Lamangan.

https://bandera.inquirer.net/284432/banta-ni-marjorie-sa-mga-naninira-kay-julia-buhay-na-buhay-pa-ang-nanay-niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/286282/julia-tinulungan-si-marjorie-para-makapagtapos-ang-kapatid-sa-magandang-school

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending