Alexa Ilacad sinupalpal ang netizen na nagsasabing 'user' siya: Ikaw ang toxic! Bandera

Alexa Ilacad sinupalpal ang netizen na nagsasabing ‘user’ siya: Ikaw ang toxic!

Therese Arceo |January 15,2022
share this

Alexa Ilacad sinupalpal ang netizen na nagsasabing ‘user’ siya: Ikaw ang toxic!

Therese Arceo January 15, 2022 - 11:27 AM

Alexa Ilacad sinupalpal ang netizen na nagsasabing 'user' siya: Ikaw ang toxic!

ISA ang aktres na si Alexa Ilacad sa mga celebrities na pinag-uusapan ngayon matapos niyang ma-evict sa “Pinoy Big Brother” house kasabay ang kapwa ex-celebrity housemate na si KD Estrada.

Marami kasi sa madlang pipol ang kinukwestiyon siya dahil tila lahat na lang daw ng pinapares sa kanya magmula nang pumasok siya sa Bahay ni Kuya ay “type” daw niya.

Sa Twitter ay isa ngang basher ang sinagot ni Alexa.

Saad ng netizen, “Infairness naman talaga tong si Alexa, magaling mag fan service. Lahat type. Hahahaha!”

“Ha? Hatdog,” sagot naman ni Alexa.

Buhat kasi nang maging bahagi ng “Pinoy Big Brother” ay naiugnay na ang dalaga sa iba’t ibang housemates gaya nina Eian Rances, Benedix Ramos, at KD Estrada.

Kamakailan ay magkasama kasi sila ni Eian sa isang sikat na mall sa Pasay para panoorin ang tribute sa kanila ng kanilang fandom.

Ngayon naman ay maingay ang pangalan ni Alexa dahil sa naging sagot nito na “dyodyowain” raw nito si KD if given a chance.

May isang netizen rin ang nagsabi na “user” daw si Alexa at sinabing takot lang itong mawalan ng fans.

“Yung @alexailacad kasi daming ships, ayaw mamili ng isa lang. Ayaw kasi mabawasan ang fans. Legit user @alexailacad with her toxic fans @ALEXAnators,” saad ng isang netizen na ngayon ay deleted na.

Bwelta naman ni Alexa, hindi siya user at naa-appreciate lamang niya ang taong sumusuporta sa kanila.

“I came out of PBB surprised by all of these ships too.. Pero hindi ko kailangan ‘mamili’ because I appreciate ALL supporters from ALL ships. LALONG LALO NA ANG ALEXANATORS KO. dude, It wouldn’t hurt you to spread love and kindness, ok? Ikaw yung toxic eh,” sey ni Alexa.

Mukhang may away rin sa pagitang ng KDLex (KD Estrada at Alexa Ilacad) at KyJi (KD Estrada at Anji Salvacion) dahil base sa mga replies ay nabanggit ang parehas na fandom.

Anyway, sana ay maging maayos na ang lahat dahil kung titignan ay magkakaibigan naman ang lahat ng kanilang sinusuportahan at ang importante ay maayos ang relasyon nila sa isa’t isa.

 

Related Chika:
Alexa Ilacad, KD Estrada goodbye na rin sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage pasok sa top 5
Alexa Ilacad, KD Estrada ‘destiny’ ang isa’t isa: We had this really, really strong connection!

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending