Bunsong anak nina Iya Villania at Drew Arellano, positive sa COVID-19
ISA na namang miyembro ng pamilya nina Iya Villania at Drew Arellano ang nag-positive sa COVID-19.
Hindi na rin nakaligtas ang bunsong anak ng dalawa sa nakahahawang sakit at nakaramdam na rin ng sintomas gaya ng lagnat.
Sa Instagram post ni Iya ay ibinahagi niya ang kalagayan ng kanyang tatlong anak na pawang naapektuhan rin ng COVID-19.
“And here she is, my poor baby girl who’s probably having the hardest time dealing with symptoms. it’s unli cuddles for this one right now,” saad ni Iya.
View this post on Instagram
Kuwento ni Iya, nilagnat na rin ang kanilang panganay na si Primo samantalang nagiging mabuti na ang lagay ng kanilang pangalawang anak na so Leon.
“Primo had a meltdown last night too… Kuya seemed like he had it all together until I noticed he wasn’t looking okay. I cuddled up next to him and then he started to cry, poor boy.
“Leon on the other hand, by night, he was fine! like nothing happened. Not sure if that’s really it for him but so far since last night, he hasn’t had a fever and his demeanor is back to what it was before he got sick!” pagbabahagi ni Iya.
Aniya, sa ngayon ay pagbahing at lagnat na lamang ang sintomas na nararamdaman nina Primo at Alana.
“Alana, on the other hand, has been warm and uneasy since last night and wants nothing but cuddles,” sey ni Iya.
Umaasa naman ang TV host-actress na maging mabuti na ang kalagayan ng kanyang tatlong anak.
Pilit namang tinitignan nina Iya ang positive side ng pangyayari kung saan hindi na nila kinakailangan pang mahiwalay sa mga anak at mas makakapagtulungan silang mag-asawa para alagaan ang mga ito.
Kamakailan ay inamin ni Iya na ipinagbubuntis niya ang ika-apat nilang anak ni Drew bago pa man sila tamaan ng COVID-19.
Related Chika:
Iya nagka-COVID din, may tips sa mga mommy na nag-positive: You are not alone, my tip…try not to cry!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.