Iya nagka-COVID din, may tips sa mga mommy na nag-positive: You are not alone, my tip...try not to cry! Bandera

Iya nagka-COVID din, may tips sa mga mommy na nag-positive: You are not alone, my tip…try not to cry!

Ervin Santiago |January 11,2022
share this

Iya nagka-COVID din, may tips sa mga mommy na nag-positive: You are not alone, my tip…try not to cry!

Ervin Santiago January 11, 2022 - 07:30 AM

Iya Villania at Drew Arellano

NAPAKAHIRAP tanggapin para sa Kapuso TV host-actress na si Iya Villania na nagpositibo na rin siya sa COVID-19 makalipas ang dalawang taong pagiging “nega” sa virus.

Kahapon, Jan. 10, kinumpirma nga ng “Mars Pa More” sa kanyang Instagram post na tinamaan din siya ng nakahahawang sakit tulad ng iba pang kilalang celebrities.

Nag-post si Iya sa IG ng litrato ng tatlong anak nila ni Drew Arellano — sina Primo, Leon at ang umiiyak na si Alana habang nasa tabi ng kanilang glass door. Aniya, napakasakit sa isang inang tulad niya na makita ang mga anak sa ganu’ng sitwasyon.

“Drew and I are still hanging onto that little chance that maybe the kids are spared. 

“This post is for all mamas and papas who are going through the same thing of having to endure not hugging and kissing their children,” ang bahagi ng caption ng TV host sa ipinost niya sa IG.

Pag-amin pa ni Iya, “This was the hardest thing to accept upon learning I was positive and I’m not talking about my pregnancy test.”

Sabi pa ng misis ni Drew, mabuti na lang at medyo naiintindihan na nina Primo at Leon ang kanilang sitwasyon kumpara kay Alana na wala pang kamuwang-muwang sa mga nangyayari.

“It broke my heart to see her cry for me and not be able to console her even for a bit. So mamas in this same situation, you are not alone. 

“My tip? Try not to cry ’cause the tears will only cause nasal congestion and lengthen recovery!

“I know, I know. Ang hirap… but you have to get over it as soon as you can and get in that speed car towards recovery for your family. Kapit, guys! There’s a whole bunch of us! We can do it,” positibo pang mensahe ni Iya.


Nito lamang nagdaang Jan. 3, 2022 kinumpirma nina Iya at Drew na magkakaroon na sila ng baby number four.

Sa isang episode ng “Mars Pa More” unang inamin ni Iya na pregnant na uli siya. Tinanong kasi siya ni Camille kung magiging ate na ba very soon ang 1-year-old daughter nila ni Drew na si Alana Lauren.

Mabilis na sagot ni Iya, “Yes, mars! Magiging ate na si Alana. I’m so excited! Thanks, everybody! I’ve been really lucky to have it easy again. At least, nakakapag-work ako.

“I’m sure yung iba (staff ng Mars Pa More) diyan, hindi siguro nila namalayan. Siyempre, hataw pa rin tayo sa ‘Mars Magaling,’ mars! Siyempre, palaban ito, e.

“So yes, we are expecting. Parating na siya. Coming soon in June!” aniya pa.

Ikinasal ang Kapuso celebrity couple noong 2014 makalipas ang 10 taon nang pagiging magdyowa. 

Iya umaming mas hirap ipagbuntis ang ika-4 na baby: Grabe yung morning sickness ko ngayon

Kumpirmado: Iya Villania buntis uli sa 4th baby nila ni Drew Arellano

Bakit napaiyak si Iya nang magsilang ng baby girl?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending