John Lloyd pinagtripan ng netizens dahil wala na raw mabiling paracetamol | Bandera

John Lloyd pinagtripan ng netizens dahil wala na raw mabiling paracetamol

Ervin Santiago |January 07,2022
facebook
share this

John Lloyd pinagtripan ng netizens dahil wala na raw mabiling paracetamol

Ervin Santiago - January 07, 2022 - 01:52 PM

John Lloyd Cruz

BENTANG-BENTA ngayon ang bagong Kapuso actor na si John Lloyd Cruz dahil sa balitang nagkakaubusan na umano ng paracetamol sa mga drug store.

Kalat na kalat na ngayon ang mga nakakaloka at nakakaaliw na memes ni Lloydie tungkol sa kakulangan daw ng stocks ng paracetamol.

At hindi lang daw ang nasabing gamot para sa lagnat ang nauubos ngayon sa merkado kundi maging ang iba pang klase ng gamot para sa sipon, ubo at trankaso.

Base sa ulat, matapos ang nagdaang holiday season maraming Pinoy nagkasakit lalo na sa unang linggo ng 2022.

At dahil nga sa pagiging endorser noon ni John Lloyd ng isang brand ng paracetamol ay siya ngayon ang napagbalingan ng netizens para hingan ng nasabing gamot dahil wala na raw silang mabili sa mga drug store.

Tulad na lang ng isang Facebook user na personal pang nagpadala ng message sa lead star ng bagong Kapuso sitcom na “Happy ToGetHer” para makiusap na mabigyan sila ng gamot na ineendorso nito noon.
Biro ng netizen kay Lloydie, “Lodi, baka may stock ng biogesic diyan, wala na mabilhan! (Laughing emoji).”

May isang FB user din ang naglabas ng meme kung saan napagtripan naman ang lalaking nakasakay sa jeep na may pagkakahawig kay John Lloyd. 

Sabi sa caption, “Ayan, kakahingi nyo ng paracetamol kay Lloydie nangayayat na. Matagal na syang di endorser nun kaya siguradong wala na rin syang stock!”

May isang netizen naman ang nagbahagi ng litrato ni John Lloyd na namamahagi kunwari ng gamot sa mga taong nakapila sa kanya. 

Samantala, sa gitna ng isyu tungkol sa umano’y shortage ng paracetamol sa bansa, nilinaw naman ng Department of Health at Department of Trade and Industry na wala itong katotohanan. 

John Lloyd, GMA executive nag-meeting na: Exciting times ahead! Abangan!

John Lloyd sa tanong ni Willie kung ready nang ma-in love uli: Handang-handa na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending