'Mystery actor' ginamit na ka-alternate ni Dingdong sa I Can See You: Napakahusay and I respect him so much! | Bandera

‘Mystery actor’ ginamit na ka-alternate ni Dingdong sa I Can See You: Napakahusay and I respect him so much!

Ervin Santiago |January 06,2022
facebook
share this

‘Mystery actor’ ginamit na ka-alternate ni Dingdong sa I Can See You: Napakahusay and I respect him so much!

Ervin Santiago - January 06, 2022 - 07:18 AM

Dingdong Dantes

TODO ang pasasalamat ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa “mystery actor” na naging ka-double niya sa mini-series ng GMA, ang “I Can See You: AlterNATE.”

Dual role ang gagampanan ni Dingdong sa “AlterNATE” at aminado ang award-winning actor na napakahirap gawin ng mga eksenang magkasama ang dalawang karakter niya sa serye.

Kaya naman may special shoutout siya sa kanyang ka-alternate during their lock-in taping na kahit paano’y nagpadali sa kanilang trabaho.

Hindi binanggit ni Dingding ang pangalan ng kanyang stand-in actor sa naganap na virtual mediacon ng “AlterNATE” nitong nagdaang Lunes, Jan. 3, 2022 dahil may pasorpresa raw ang production sa ending ng serye.

“Sa totoo lang, kung anu-anong klase ng paghahanda ang sinubukan ko. Pero noong pagdating ko sa set, na-realize ko na talagang parang, teka hindi ko pa rin talaga alam kung paano ko siya gagawin,” pahayag ni Dingdong.

Aniya pa, “Pero alam mo ‘yung magic kasi ng film making, it really allows us to explore so many things with our fellow artists. 

“And I think ‘yung totoong paghahanda ay nangyari sa set, sa pamamagitan ng pag-interact namin, when we were reading the script while we were in quarantine,” lahad pa ng aktor.

At bago nga magtapos ang presscon, may pahabol na mensahe si Dong, “Meron lang akong pahabol. Siguro narinig na nila halos lahat yung experiences namin.

“Pero gusto ko lang sabihin na hindi rin mabubuo itong AlterNate na ito kung hindi dahil sa literal na alternate ko.

“At siguro, pretty soon, iri-reveal namin kung sino siya after the run, kasi hindi talaga namin magagawa ang lahat ng ito, hindi lang ako kung hindi dahil sa isang artistang ito, sa isang aktor na ito na taga-GMA na, literal, siya talaga si AlterNate.

“Napakahusay and I respect him so much and excited na excited ako na maipakilala siya sa inyo soon!” aniya pa.

Ayon sa isang taga-production team, talagang siniguro nila na pareho ng height, body built at pati style ng buhok ni Dingdong ang mystery actor.

Ang “I Can See You: AlterNATE” ay idinirek ni Dominic Zapata at kasama rin dito sina Beauty Gonzalez, Joyce Ching, at ang dating mag-asawang sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco. Magsisimula na ito sa Jan. 10 sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Dingdong umaming ‘masokista’: Gusto kong natsa-challenge at nahihirapan lagi sa ginagawa ko

Dingdong naka-survive sa 1 buwang lock-in taping dahil sa pa-lafang ni Marian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending