Albie Casino inaya si Shanaia Gomez sa isang 'date' | Bandera

Albie Casino inaya si Shanaia Gomez sa isang ‘date’

Therese Arceo |December 15,2021
facebook
share this

Albie Casino inaya si Shanaia Gomez sa isang ‘date’

Therese Arceo - December 15, 2021 - 10:32 AM

Albie Casino inaya si Shanaia Gomez sa isang 'date'

SINORPRESA ng aktor na si Albie Casino ang kanyang kapwa “PBB” housemate at latest evictee na si Shanaia Gomez sa “PBB Kumulitan”.

Habang ini-interview kasi nina Bianca Gonzalez at ex-housemate na si Karen Bordador si Shanaia ay bigla na lamang tinawag ni Bianca si Albie.

Kita ang gulat sa mukha ni Shanaia nang makita si Albie sa kanyang screen ngunit bakas rin ang saya sa mata at mga ngiti nito.

Kaya naman present si Albie sa interview ni Shanaia dahil nais nitong tanungin ang dalaga kung payag pa rin ito na mag-try ng sisig kasama siya.

“I asked you on IG (Instagram) but you didn’t reply. Are you still down to try sisig, Shai?” diretsahang tanong ni Albie.

Sagot naman ni Shanaia, “Yeah, ofcourse. I don’t think I’ll like it but I mean, I’ll take your word. We’ll see. We”ll see.”

“I don’t like. I don’t like that feeling kasi of sisig. I don’t know why [but] the texture kasi is so weird,” dagdag pa ni Shanaia.

Hirit naman ni Albie, “I told you that you can’t trust the one that we made inside the house, bro. I told you right away when you tried that. I said ‘You gotta try that outside.”

Nilinaw naman ni Bianca kung may specific kind ba ng sisig na balak ipatikim ang aktor kay Shanaia.

“No. Kasi Ate Biancs alam mo yan e. Sisig is either really good or not good at all and I wanna make her try good sisig,” paglilinaw ni Albie.

Pasimple namang gumagatong si Karen sa magiging date ng dalawa. Nag-suggest pa ito na partner-an ng milktea ang sisig dahil favorite ito ni Shanaia.

“Oh my gosh, Carebear (Karen)! What are you doing?” nakangiting saad ni Shanaia.

Nagplano naman si Albie na maaari nilang i-try ang sisig pagkatapos ng shoot nila sa December 16 kasama ang iba pang mga housemates na nasa labas na ng Bahay ni Kuya.

Sa huli ay go lang si Shanaia na i-try ang sisig kahit na kinakabahan siya at sinabing hindi niya ito magugustuhan pero panghahawakan raw nito ang salita ni Albie.

Sa recent interview ni Albie sa “Magandang Buhay” ay inamin ng aktor na tanging kay Shanaia lang siya na-attract among the other female housemates.

Bago pa man lumabas si Albie sa “PBB” house ay naging malapit na sila ni Shanaia matapos ang kanilang hindi pagkakaunawaan at kahit ang mga housemates ay inaasar silang dalawa sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa katunayan ay may mga supporters na rin ang ShaiBie at excited na sila kung ano man ang maging journey o kung saan man mauwi ang pagkakaibigan nina Shanaia at Albie.

Related Chika:
Albie isa lang ang naging bet sa ‘PBB’ female housemates: Si Shanaia lang talaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending