Albie isa lang ang naging bet sa 'PBB' female housemates: Si Shanaia lang talaga | Bandera

Albie isa lang ang naging bet sa ‘PBB’ female housemates: Si Shanaia lang talaga

Therese Arceo |December 09,2021
facebook
share this

Albie isa lang ang naging bet sa ‘PBB’ female housemates: Si Shanaia lang talaga

Therese Arceo - December 09, 2021 - 02:51 PM

Albie isa lang ang naging bet sa 'PBB' female housemates: Si Shanaia lang talaga

DIRETSAHANG inamin ng aktor na si Albie Casino ang kaisa-isang babaeng nagustuhan niya nang pumasok siya sa “Pinoy Big Brother” house bilang isa sa mga celebrity housemates.

Sa interview ng aktor sa “Magandang Buhay” nitong Miyerkules, Dec. 8, sinabi niya na tanging si Shanaia lamang ang nakapukaw ng kanyang interes sa mga female housemates.

“Si Shanaia lang talaga,” saad ni Albie.

Nang tanungin naman siya kung ready ba siyang antayin ang dalaga, ang tanging sagot lang ng aktor ay nais niyang makapasok si Shanaia sa ‘Big 4’.

“Gusto ko lang matupad ‘yung promise niya na magta-try siya ng sisig. Kasi sabi niya, she doesn’t like sisig. So sabi ko, ‘How can you not like sisig?’ It’s imposible, ‘di ba? Pinoy ka ba?” pagbabahagi pa ni Albie.

Halos dalawang linggo lamang ang inilagi ni Albie sa loob ng Bahay ni Kuya ngunit sapat na ito para makapalagayan ng loob ang RISE artist na si Shanaia Gomez.

Sa katunayan ay maraming mga netizens ang talaga namang kinagiliwan ang dalawa kaya mabilis na nabuo ang ShaiBie fandom.

Sa ginanap na girls’ night out ng mga female housemates sa Kumu ay naglaro sila ng “Jojowain o Totropahin” at isa nga sa mga nakasama sa selection ay si Albie.

Nang makita ni Shanaia ang litrato ng aktor ay talaga namang napatili ito. Maging ang mga kapwa female housemates ay hindi na rin napigil ang panunukso sa dalaga ngunit sa dulo ay tila nag-alingan pa si Shanaia at pinili na lamang na “tropahin” si Albie.

Marahil ay masyado pang maaga para kay Shanaia na sabihin amg “jojowain” at nais pa niyang mas makilala ang binata sa paglabas ng outside world.

Matatandaang kinilig rin si Shanaia nang banggitin ni Albie ang kanilang magiging “sisig date” sa kanyang wake up call message sa mga housemates matapos ma-evict sa Bahay ni Kuya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)

Samantala, grateful naman si Albie dahil naging parte siya ng “PBB”.

Aniya, malaki raw ang naitulong ng programa para maghilom siya mula sa mga kontrobersiyang kinasangkutan niya noon.

“Siguro in the process of healing. Hindi pa siya fully healed pero malaking tulong sa akin ang nagawa ng ‘PBB’ because I said I was like forced to look at myself. I did ‘Toni Talks’ at may sinabi sa akin si Ate Toni na forgive yourself first before you can forgive other people,” sey ni Albie.

Sa ngayon ay aminado si Albie na masaya siya at isa ito sa mga bagay na natutunan niya sa pananatili sa “PBB” house.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi madali maging masaya lagi. Wala ring masaya lagi. I learned also inside the house that happiness is a choice. So kailangan natin, we have to want to be happy.

“When I wake up everyday, I try my best to be happy. I’m thankful for all the things that I have. I work hard for the things that I want so I try to be as content as possible but yeah — I’m happy now.”

Related Chika:
Albie nawalan ng milyones dahil kay Andi: So, how can I be okay with them?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending