Bollywood actress napasayaw ng 'Sabay Sabay Tayo,' napa-wow kay Marian Rivera: She glows like the sun | Bandera

Bollywood actress napasayaw ng ‘Sabay Sabay Tayo,’ napa-wow kay Marian Rivera: She glows like the sun

Chris Gamoso |December 11,2021
facebook
share this

Bollywood actress napasayaw ng ‘Sabay Sabay Tayo,’ napa-wow kay Marian Rivera: She glows like the sun

Chris Gamoso - December 11, 2021 - 05:16 AM

Marian Rivera, Urvashi Rautela in Miss Universe 2021

Marian Rivera at Urvashi Rautela

NABIGHANI ang Bollywood actress na si Urvashi Rautela kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera bago magsimula ang preliminary competition ng Miss Universe 2021.

Sa kanyang Instagram live, makikitang umaawra muna si Rautela sa kanyang outfit bilang judge nang ni-recognize nito ang ‘new friend’ niyang si Marian.

“Meet may favorite actress from the Philippines” intro niya pagkatapos ay nilapitan at bineso si Yan. Ito ay bago humarap sa hamon ng preliminary judging para sa 70th Miss Universe ngayong Sabado, Dis. 11 sa Maynila.

Patuloy niya, “She glows… she glows like the sun. And I love her smile.”

Binanatan naman ito ni Marian at sinabing napaka-friendly at love daw niya ito.

Nanlaki din ang mata ng dating Miss Universe India 2015 nang itinuro siya ng Pinay nang tanungin kung sino ang favorite Bollywood actress nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by URVASHI RAUTELA 🇮🇳 (@urvashirautela)

Inamin din ng dalawa na nai-eexcite sila sa performance ng mga kandidata para sa prelims show.

After nito, napasubo na nga sa pag-indak ng hit song na ‘Sabay Sabay Tayo’ si Rautela.

Iniupload din ang bidyo sa official Facebook page ng Pinay actress na enjoy na enjoy ang dalawa sa pag-sayaw.

Walang arteng pumalag sa pagtuturo ni Marian ang Indian beauty queen nang turuan ito ng mga steps sa sayaw niya.

“Sabay-sabay tayo?” Me to Urvashi Rautela, my new friend. 😍

Posted by Marian Rivera on Friday, December 10, 2021

 

Natuwa naman ang netizens dahil mabilis na kumalat ang bidyo matapos ito ma-post knowing na talagang patok ang kanta kung pag-uusapan lang din naman si Marian.

Simula rin kasi nang naging usap-usapan na magiging judge ang aktres, laman na ng internet memes ang kanyang mga ginawang kanta.

Habang sinusulat namin ang ulat na ito, mayroon nang 20k reactions, at humigit 500 shares.

Sey ninyo sa bubbly personality ng dalawa dahil aliw ang internet world kahit na madaling araw ito ipinost dito sa Pilipinas.

“Nakakahawa ang tawa mo Ms Marian Rivera You are beautiful inside and outside..wonderful person..stay safe and healthy”

“That’s what i love about Marian (heart emoji) Bubbly personality and absolutely gorgeous”

“Found a new friend. You’re both beautiful. Glad to see you happy and bonding with new friend. Hope more friends to bond. Take care ,DD and glam team.”

“woww! may friendship na kaagad ang aming lodi.. ‘yan ang isang Marian”

Gaganapin ang final coronation night ng Miss Universe 2021 sa Eilat, Israel ngayong Disyembre 12 (Dis. 13 dito sa Pilipinas).

Related Chikas:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dingdong Dantes naging water boy ni Marian sa Miss Universe 2021 prelims

LOOK: Supermodel Adriana Lima, iba pang celebs kasama ni Marian Rivera sa Miss Universe 2021 selection committee

Ano ang ipinayo ni Maureen Wroblewitz kay Beatrice Gomez?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending