Janella sanay na sanay humawak ng ahas, ipinakilala ang alagang si Versace: Meet my baby girl! Bandera

Janella sanay na sanay humawak ng ahas, ipinakilala ang alagang si Versace: Meet my baby girl!

Ervin Santiago |December 06,2021
share this

Janella sanay na sanay humawak ng ahas, ipinakilala ang alagang si Versace: Meet my baby girl!

Ervin Santiago - December 06, 2021 - 02:40 PM

Janella Salvador

MUKHANG paninindigan na nga ng celebrity mom at Kapamilya actress na si Janella Salvador ang pagiging “babaeng ahas”.

Ibinandera ni Janella sa madlang pipol ang bago niyang pet — ito ay ang alaga niyang five-month-old snake na pinangalanan niyang Versace.

Ipinakilala niya ang alagang ahas ilang linggo matapos ihayag ng ABS-CBN na siya ang napiling gumanap na Valentina sa upcoming Kapamilya teleserye na “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series”.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Janella kahapon, Dec. 5, ng ilang litrato kung saan hawak-hawak pa niya si Versace.

“Hello, world. Meet Versace, my 5 month old baby girl,” ang maikling caption na inilagay niya sa kanyang mga IG photo na pinusuan at ni-like ng libu-libo niyang followers. Obviously, isinunod niya ang pangalan ng ahas sa Italian luxury brand na Versace.

Karamihan naman sa mga nagkomento ay nagsabing bagay na bagay sa kanya ang karakter ni Valentina sa bagong TV version ng “Darna” na pagbibidahan ni Jane de Leon.

Last month lang in-announce ng ABS-CBN na si Janella ang maswerteng napili bilang Valentina, na itinuturing na pinakamatindi at pinakasikat na kalaban ng iconic Pinoy superheroine na si Darna.

Sa isang panayam, yes na yes ang naging sagot ni Janella nang 
matanong kung handa na ba siyang humawak at makipaglaro sa tunay na mga ahas.

“Alam n’yo ba guys mayroon ako actually na alagang ahas? So sanay na ako sa ahas. Kayang-kaya ko ‘yan,” matapang na pahayag ng partner ni Markus Paterson.


Sa “Darna: The TV Series” gaganap siya bilang Regina/Valentina na isang lawyer-vlogger na isinumpa bilang babaeng may mga ahas sa ulo.

In fairness, talagang siya ang nagustuhan ng box-office director na Chito Roño para gumanap na Valentina, “I’m very, very honored to be chosen among the many, many actresses who auditioned for this role. 

“I’m sure they were all equally as amazing and I would like to take this opportunity to thank Direk Chito Roño and ABS-CBN for giving me the opportunity to portray this iconic role,” ani Janella.

Bukod kina Jane at Janella, makakasama rin sa “Darna: The TV Series” sina Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, Iza Calzado, Rio Locsin, Kiko Estrada, Simon Ibarra, Young JV at Joj Agpangan at mula sa JRB Creative Productions ng ABS-CBN.

https://bandera.inquirer.net/298130/janella-nag-alinlangang-tanggapin-ang-valentina-role-is-this-really-for-me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending