Xian sobrang miss na miss na si Kim: Years later, it's still you and me... Bandera

Xian sobrang miss na miss na si Kim: Years later, it’s still you and me…

Reggee Bonoan |December 05,2021
share this

Xian sobrang miss na miss na si Kim: Years later, it’s still you and me…

Reggee Bonoan December 05, 2021 - 01:37 PM

Xian Lim at Kim Chiu

MUKHANG matagal nang hindi nagkikita nang personal sina Xian Lim at Kim Chiu dahil idinaan ng aktor ang pagka-miss niya sa girlfriend sa pamamagitan ng pagpo-post ng awiting “You and Me” ng Lifehouse nitong Sabado.

Nag-duet sina Xian at Kimmy sa nasabing awitin habang naggigitara sila with matching lyrics.

“’Cause it’s you and meAnd all of the people with nothing to do
Nothing to prove
“And it’s you and me
And all of the people
And I don’t know why
I can’t keep my eyes off of you.”

At saka inamin ng aktor na sobrang miss na niya ang dalaga, “Missing you so much @chinitaprincess (heart). I remember wanting to sing this song with you because it wasn’t an easy road for us when we were starting out. 

“So much noise from the outside world, people always had (have) things to say, they had (have) their own version of how we would end up. Years later, it’s still you and me,” mensahe pa ng actor at director.

Kinilig naman si Kimmy sa sinabi ng boyfriend kaya ang sagot niya, “Awwww!!!!!!!! (emoji 3 hearts). Miss you too.” Tatlong heart emojis ang isinagot sa kanya ng aktor.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay kulang 106k na ang views at 666 komento na halos lahat ay nagsabing kinikilig din sila sa mensahe ng binata. Marami rin ang nagsabi na sana’y sa simbahan na rin ang tuloy ng kanilang relasyon.

Sa kasalukuyan ay nasa lock-in taping si Xian sa Pampanga para sa nago nitong teleseryeng “False Positive” kasama si Glaiza de Castro na ipalalabas sa GMA 7.

Samantalang si Kimmy naman ay abala sa araw-araw na programang “It’s Showtime.”

Kim suportado ang paglipat ni Xian sa GMA; makakatambal si Jennylyn sa unang Kapuso serye

Kim niregaluhan ni Xian ng OOTD na pang-motor: Para raw ready ako umangkas sa kanya!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending