DonBelle inihalintulad ni John Lapus sa KathNiel Bandera

DonBelle inihalintulad ni John Lapus sa KathNiel

Therese Arceo |December 04,2021
share this

DonBelle inihalintulad ni John Lapus sa KathNiel

Therese Arceo - December 04, 2021 - 02:18 PM

DonBelle inihalintulad sa KathNiel ni John Lapus

HINDI naman kataka-taka kung bakit isa na ngayon sa mga kinagigiliwang loveteam sina Donny Pangilan at Belle Mariano o “DonBelle”.

Magmula nang magtambal ang dalawa sa iWant series na “He’s Into Her” ay dumagsa na ang labis na pagmamahal ng madlang pipol sa kanilang dalawa.

Sa katunayan ay hindi lang sa Pilipinas nakikilala sina Donny at Belle kundi sa buong mundo. Patunay na nga rito ang pagkakaroon nila ng billboard sa iba’t ibang bansa gaya ng New York, USA, Gangnam, South Korea, at Zurich, Switzerland nang mag-celebrate ang dalawa ng ikalawang anibersaryo.

Sa kanilang virtual media conference para sa kanilang first movie na “Love Is Color Blind”, natanong ang kanilang co-star na si Direk John “Sweet” Lapuz kung ano ang naging obserbasyon niya sa dalawa.

“Hindi na ako nagulat na sweet sila, may movements that I’ve seen in many loveteams. Actually DonBelle reminds me so much of KathNiel, kasama rin ako sa kanilang first movie together,” paglalahad ni Sweet.

“Iba e, iba ‘yung magic. Individually, I love them both. Si Donny feeling ko, just like Daniel, lahat yata ng mga artista na may artista ring parents, talagang bini-briefing sila kasi talagang napakabait na bata, simpatiko, unang bumabati sa senior actors, alam mong na-train mabuti ng mga magulang. Ganyang-ganyan si Daniel,” dagdag pa niya.

Samantala, nakikita naman ni Sweet si Kathryn kay Belle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)

“Si Belle naman reminds me so much of Kathryn. ‘Yung sweetness aside the fact na pareho silang child actors. Galing rin pala sa Goin’ Bulilit itong si Belle.

“Malaki ang paghanga ko sa mga child actors kasi nasisipagan ako, for a kid na magtrabaho instead of having a normal kid’s life na maglaro sa kalye and everything. Mataas ang respeto ko. ‘Yun ang nakita ko kay Belle, napaka-sweet na bata.

Aniya pa, hindi na raw siya magtataka kung magkakaroon ng Best Actress award dahil sa husay nito.

And other than that, I can testify kasi ako ‘yung laging ka-eksena ni Belle. Napakahusay niya and she’ll go places. Hindi ako magtataka kung magkakaroon siya ng best actress award in the future.

Dagdag pa ni Sweet, may isang scene sila ni Belle na magkasama kung saan talagang napahanga siya ng dalaga.

Grateful naman sina Donny at Belle sa mga papuri na natatanggap nila lalo na at nakukumpara sila sa napakahusay na KathNiel ngunit nais raw ng dalawa na mas makilala sila bilang sila at nais nilang gumawa ng sariling journey.

“We’re just very flattered and also we’re focused on getting our own path, our own journey and learning everything with each other and we’re just making aure that we’ll kwep our feet in the ground and we give the glory to God all the time,” saad ni Donny.

Handa nang magsabog ng kilig at pagmamahal sina Donny at Belle sa kanilang first movie na “Love Is Color Blind” ngayong Pasko na ipapalabas na simula December 10.


Related Chika:

DonBelle fans niregaluhan ng bonggang billboards sina Donny at Belle sa US, Korea at Switzerland
Netizens kilig sa ‘couple’ Halloween costume ng DonBelle: Pasimple lang talaga kayong dalawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending