Kitkat hindi mapapatawad si Janno: Wala sa bokabularyo ko na bibigyan ng chance 'yung isang taong ganyan | Bandera

Kitkat hindi mapapatawad si Janno: Wala sa bokabularyo ko na bibigyan ng chance ‘yung isang taong ganyan

Therese Arceo |December 03,2021
facebook
share this

Kitkat hindi mapapatawad si Janno: Wala sa bokabularyo ko na bibigyan ng chance ‘yung isang taong ganyan

Therese Arceo - December 03, 2021 - 12:37 PM

Kitkat hindi mapapatawad si Janno: Wala sa bokabularyo ko na bibigyan ng chance 'yung isang taong ganyan

NABUHAY na naman ang nakaraang isyu sa pagitan ng dalawang komedyanteng sina Kitkat Favia at Janno Gibbs.

Nagkasagutang muli ang dalawa sa isang public group chat na “COVIDyante” kung saan nagbatuhan ang dalawa ng maiinit na salita na nagsimula sa isang shared post galing kay Gene Padilla.

“Kasi si Kuya Gene Padilla meron siyang ipinost doon na ‘FYI guys ah. May isang batikang artista na nagpapatulong sa akin na maipasok sa raket.

“Nilagay niya lang sa GC na ‘yun na minura siya. E di ako naman, nakisimpatya,” pagkukwento ni Kitkat kay Ogie Diaz.

May ilan raw na nagsabing hayaan na lang daw at ipag-pray na lang samantalang si Kitkat ay nakisimpatya sa kantang reply.

“Aru jusko… yaan mo na kuya may mga ganyan talagang tao. May saltik, pitik… may iba nga bigla na lang nagmumura sa kapwa ng P.I eh.. iisipin nalang natin meron silang pinagdadaanan. Kawawa din.

“Kaso yun nga kahit sino walang karapatan! May mga matatanda talagang walang pinagkatandaan.. Lahat naman may balik! Godbless ingat palagi kuya Gene,” reply ni Kitkat.

Ang kanyang reply ay base sa kanyang personal experience kung saan may nagmura sa kanya na batikang artista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by “Kitkat” -> #ACTRESS #SINGER (@favkitkat)


“Coming from my experience na may nagmura na naman na isang kapwa mo artista na mas batikan sayo so ako naki-simpatya lang bilang naranasan ko rin yun.”

Maya maya raw ay nagreply si Janno sa group chat at sinabing, “Pero mas may topak pa rin si Kitkat dyan!!! (thre laughing emoji)”

“May mga baguhan talagang walang respeto sa mga senior actors,” dagdag pa nito.

Nagulat raw si Kitkat sa sinabi ni Janno lalo na’t ang dami daming tao na miyembro ng naturang group chat.

“Talaga lang Janno????” reply naman ni Kitkat.

“Sino nagmura ng ‘P*t*ng ina mo’ ag pumapatol sa babae? Talaga lang? Alam ng lahat ant topak mo! Wag ako Janno! Isa kang BASTOS na matanda.

“Respect is never assigned, it’s earned Janno… Ayoko na patulan ka!” gigil na dagdag niya.

Ngunit mukhang maraming time si Janno kaya sumagot ulit ito kay Kitkat.

“Dapat talaga minumura ang mga sinisigawan ka ng ‘gag* ka’ sa mic sa harap ng maraming tao!

“Sige, sa lahat ng may kilala samin dito. Sino sa amin ang paniniwalaan niyo?” di papatalong sey ni Janno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

Napa-react naman si Kitkat at sinabing, “Ay naghahanap ng kakampi? Ano to? Patintero? Bata? 5 years old? Kampihan?”

Rumesbak namang muli si Kitkat kay Janno.

“May naririnig at nakikita kang di namin nakikita Hahahahaha .. Itanong natin kay Marco Sison sy ABSCBN! Hahahah Janno ok bye thanks!”

Si Marco Sison ang kanilang guest noon sa show nila sa NET 25 na “Happy Time” na naging witness sa ginawang pagmumura ni Janno kay Kitkat.

At alam naman na natin kung ano ang naging isyu ni Janno sa Kapamilya network.

Muli na namang sumagot si Janno sa patutsada ni Kitkat.

“Itaning natin sa INC at kay Anjo Yllanan na ginagawan mo ng kwento at sinusumbong sa mga boss.

“May kopya ako ng official transcript ng buong pangyayari. Ilalabas ko dito para naliwanagan lahat.”

Gusto pa sanang mag-react ni Kitkat ngunit pinili na lamang na manahimik para hindi na humaba pa ang diskusyon.

Pero mukhang walang balak tumigil si Janno at muli na namang nag-message sa group chat.

“Alam nyo babmng pwede pa kaming makabalik sa show. Ang kondisyon lang ay magkabati kami nang kusa. Kaya’t 2 linggo kong kausap ang manager ni Kitkat at sinabing magkaayos kami at magtrabaho uli.

“Sa huli ay sumagot ang manager. Ayaw na raw ni Kitkat.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

Ito naman ay agad na kinontra ni Kitkat habang kausap si Ogie Diaz.

“Unang-una wala po akong manager so sino ang nakakausap niyang manager ko? Pangalawa, kung totoo man ‘yun na nagsasabi siya na gusto niya akong makausap, hello! Dati araw-araw kaming magka-text.

“Kung talagang sorry ka, sana tinext mo ko. Pangatlo, ayaw ko na raw. Bakit ayaw ko? Ibig sabihin talagang may ginawa ka,” litanya ni Kitkat.

Aniya, bago pa man daw mangyari ang “murahan issue” ng dalawa ay nais nang mag-resign ni Kitkat kaya bakit niya gugustuhin na bumalik.

Nag-leave na rin sa group ang ilang komedyante na sina Paolo Contis at Mitoy Yonting.

Inaaya na rin daw siya ni Jeffrey Tam na mag-leave sa group ngunit gusto pang tignan ni Kitkat kung ano man ang talak ni Janno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ni Kitkat, wala raw siyang planong patawarin ang mga klase ng tao na tulad ni Janno Gibbs nang tanungin siya ni Ogie kung kaya niya itong patawarin lalo na at papalapit na ang Kapaskuhan.

“Wala sa bokabularyo ko na bibigyan ng chance ‘yung isang taong ganyan.”

Anyway, bukas ang BANDERA para sa pahayag ni Janno Gibbs ukol sa isyung ito.

Related Chika:
Wala akong galit kay Janno Gibbs at wala akong galit sa puso ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending