Andrea hindi naghahanap ng dyowa: Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon | Bandera

Andrea hindi naghahanap ng dyowa: Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon

Ervin Santiago |November 30,2021
facebook
share this

Andrea hindi naghahanap ng dyowa: Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon

Ervin Santiago - November 30, 2021 - 09:22 AM

Andrea Brillantes at Seth Fedelin

IISA ang hiling ng milyun-milyong SethDrea fans all over the universe — sana nga’y sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin na ang “pinagtagpo at itinadhana” para sa isa’t isa.

Ngunit maraming supporters ang dalawang youngstars na huwag munang masyadong seryosin ang pakikipagrelasyon at abutin muna ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay.

Yan din naman ang priority nina Seth at Andrea na nagsabing  magpo-focus muna sila sa trabaho para mas gumanda pa ang takbo ng kanilang career para masigurong magkaroon ng magandang buhay in the future.

Mismong si Andrea na nga ang nagsabi na bata pa sila ni Seth at alam niyang napakarami pa nilang pagdaraanan bilang magka-loveteam at espesyal na magkaibigan.

Sa ginanap na face to face media launch na ibinigay ng Beautéderm Corporation para kay Andrea bilang pinakabago nilang brand ambassador, natanong ang dalaga kung may time ba siyang magpaligaw dahil nga sobra ang kabisihan niya ngayon kahit may pandemya pa rin?

“Ahm, kasi siyempre, alam niyo naman po, meron akong special friend…na si Seth. And happy na po ako with his company. And kung meron man pong manliligaw sa akin, ewan ko, hindi naman din po ako lapitin.

“Kasi, hindi po ako pala-gala. Hindi po kasi ako extrovert. At marami nga pong boys, ang tingin, suplada ako. O kaya’y intimidating ako. Hindi rin po ako naghahanap as of the moment. Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon.

“Masaya ko rin po siyang katrabaho ko. Masaya ako na sinusuportahan niya ako,” aniya.
Sundot na tanong sa kanya kung ang pagiging special friends nila ng ka-loveteam ay maaari ring mauwi sa “more than friends”, “Sigu… ay! Yes!” 

“Magtu-twenty na siya (Seth) next year, nineteen ako. It’s just ini-enjoy po namin sa ngayon ang meron kami. Ini-enjoy lang namin yung ibinigay na time sa amin ni Lord, yung projects namin, and company namin sa isa’t isa.

“Klaro din naman na… siya ang gusto kong ka-work. Sinabi din naman niya na ako ang gusto niyang ka-work. We’re just taking our time po. Kasi, bata pa naman po kami,” paliwanag ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Samantala, bago nga ang bonggang launching ni Andrea bilang pinakabagong miyembro ng Beautéderm family na pag-aari ni Rei Anicoche Tan, ibinandera rin ng ABS-CBN at iQiyi ang bagong serye ng aktres at ni Seth, ang “Saying Goodbye.”

“Siyempre we’re both very grateful and honored na kami yung napili para gumawa ng first Filipino original series ng iQiyi. Pero kasama na dun yung saya pero siyempre kasama na du’n yung pressure. 

“Na-pressure kaming dalawa. Kaya atat na atat ako makuha yung script tapos minemorize ko na agad lahat. Talagang madami akong ginawa to prepare for this series. 

“As in nagbasa ako ng mga libro na The Fault in Our Stars and A Walk to Remember kasi parehas siya ng plot sa Saying Goodbye. So nanuod ako ng movies, nagbasa ako ng books tapos pinipilit ko si Ali (tawag niya kay Seth) na mag-memorize na ng linya.

“As in grabe yung pressure kasi kakaalis lang namin from Huwag Kang Mangamba. So medyo wala kami masyadong pahinga. Pero other than that, mas umaapaw pa rin yung saya na nararamdaman namin kesa sa kahit pagod na kami physically, mentally buong buo kami and excited super and nakakaiyak,” pahayag pa ni Andrea.

Ang “Saying Goodbye” ay idinirek ni Dolly Dulu na talagang piniga ang magka-loveteam para mabigyan ng hustisya ang kanilang mga karakter.

“Para sa akin, mas nahirapan kami sa ibang eksena dito kasi there was one scene na parang six pages long siya. Grabe si direk Dolly pinahirapan kami. Mas mahirap yung roles namin kasi mas malalim siya kasi ang Saying Goodbye hindi lang siya tungkol sa love, it’s about friendship and we’re tackling situations like death and heart diseases kaya mas seryoso siya. 

“Kasi ito nangyayari talaga ito sa totoong buhay. Nahirapan lang kami kasi 22 years old kami du’n eh. So mas mature talaga kami,” ani Andrea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa “Saying Goodbye” sina Dominic Ochoa, Sunshine Dizon, Valerie Concepcion, Polo Ravales, Bernard Palanca at Yeng Constantino at mapapanood na sa iQiyi. 

Seth Fedelin may promise sa madlang pipol; nagse-share na ng secrets kay Andrea

Andrea hindi payag na manligaw sa iba si Seth: Hindi ka pwedeng mag-commit sa dalawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending