Andrea nagpaputol ng hair...nanay, BFF shookt: Bakit?

Andrea nagpaputol ng hair…nanay, BFF shookt: Di ba sabi ko sa ‘yo wag?

Ervin Santiago |April 08,2024
facebook
share this

Andrea nagpaputol ng hair…nanay, BFF shookt: Di ba sabi ko sa ‘yo wag?

Ervin Santiago - April 08, 2024 - 07:30 AM

Andrea nagpaputol ng hair...nanay, BFF shookt: Di ba sabi ko sa 'yo wag?

Andrea Brillantes

SHOOKT ang nanay ng Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes nang bumulaga sa kanya ang bagong hairstyle ng anak.

Kahit ang ilang showbiz friends at mga netizens ay nagulat at hindi makapaniwala na pinaputulan ni Andrea ang super haba niyang hair.

Sa kanyang Facebook page, ipinakita mg “Senior High” actress ang maikli niyang buhok kalakip ang mga naging reaction ng kanyang nanay at mga kaibigan.

Baka Bet Mo: Maine shookt sa pa-surprise ni Arjo sa Eat Bulaga, biglang ‘nahimatay’

“New hair cut,” ang maikling caption ni Andrea sa kanyang IG post. Aniya, wala siyang pinagsabihan na maggu-goodbye na siya sa napakahaba niyang hair.


Sa ibinahagi niyang reaction video, sinabi ng dalaga na super happy siya sa kinalabasan ng kanyang pagpapagupit at hindi raw siya nagsisisi na ginawa niya ito para sa bago niyang teleserye, ang sequel ng “Senior High” na “High Street.”

Ang shookt na reaksyon ng kanyang nanay na si Belle Brillantes, “Ba’t ka nagpagupit? Kaya pala hindi niyo ako sinama sa Timog?”

Pak na pak naman para sa kaibigan ni Andrea na si Kyle Echarri ang kanyang new look. Ipinakita pa ng Kapamilya actress ang recorded video call nila mg binata.

“I knew it! Oh my gosh ang ganda mo. I love it. I like it so much I think it’s so nice,” sey ng aktor.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza shookt sa mga papuri ng Pinoy viewers sa ‘Maria Clara at Ibarra’: Hindi po namin inaasahan ‘to!

Pati ang BFF niyang si Bea Borres ay hindi makapaniwala na nagpaiksi siya ng hair, “Oh my God! You cut your hair? Di ba sabi ko sayo wag?


“Next couple of days you’re gonna be like ‘I miss my long hair’. Anyway, you’re so beautiful,” sey ni Bea.

“I like it, it’s so fresh,” ang komento naman ni Dra. Vicki Belo.

Narito ang ilan lang comments ng netizens sa bagong hairstyle ni Andrea.

“Slayyyyyyyyyyyyy kahit anong gupit woiiiiii apaka ganda pa din.”

“Pag talagang beauty ka kahit anong gupit bagay padin.  Di tulad ng iba kahit mag liyadliyad waley.”

“Blythe prang 15 yrs old k LNG s new haircut mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“You’re so beautiful Andrea brillantes in  your new hair cut you look so beautiful Blythe. Keep shining like a diamond Blythe. Keep going and growing. Stay happy Blythe.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending