'Love On Air' nina Khalil at Gabbi trending sa socmed; GabLi fans pinainit ang Twitter Bandera

‘Love On Air’ nina Khalil at Gabbi trending sa socmed; GabLi fans pinainit ang Twitter

Ervin Santiago |November 30,2021
share this

‘Love On Air’ nina Khalil at Gabbi trending sa socmed; GabLi fans pinainit ang Twitter

Ervin Santiago - November 30, 2021 - 08:00 AM

Gabbi Garcia at Khalil Ramos

TRENDING at talagang pinag-usapan ng mga manonood at netizens ang pilot episode ng “Stories From The Heart: Love On Air” na pinagbibidahan ng Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Pasok sa Top 5 Twitter Philippines top trending list ang hashtag #LOANowAiring na ginamit sa unang episode ng “Love On Air” kahapon, Nov. 29.

Dito, ipinakilala na ang raketerang si Wanda o Miss Wonderful na ginagampanan ni Gabbi at ang radio host na si DJ Joseph na ginagampanan naman ni Khalil.

In fairness, hashtag #KiligPaMore agad sa unang araw pa lang ng serye kung saan ipinakita na ang pagtatagpo nina Wanda at Joseph na bentang-benta sa GabLil fans na talagang nag-ingay nang bonggang-bongga sa Twitter.

Sa nakaraang mediacon ng “Stories From The Heart: Love On Air”, todo ang pasasalamat ni Khalil sa GMA dahil binigyan agad sila ni Gabbi ng project together.

“So many firsts for me, this is the first time na mag-lock-in ako ng ganito katagal, my first teleserye with Gabbi, tapos my first teleserye with GMA, it’s been a year since I signed sa GMA pero until now I still get the very overwhelming feeling.

“Siguro dahil gawa ng bago yung mga nakakatrabaho ko, merong kapaan pa rin to be honest pero they’ve been so welcoming kasi the entire production,” sabi ng aktor at singer.

Wala rin siyang masasabi sa galing ng cast at production staff ng “Love On Air”, “Lahat sila were so collaborative, kumbaga open arms hindi nila ako in-intimidate and I felt talaga na that I belong sa group and especially nu’ng lock-in.

“It’s very different, yung feeling ng lock-in siyempre hindi tayo mentally prepared, iba kasi yung conditioning mo as an actor din and it is really important yung camaraderie mo with cast and fellow actors and of course the production,” sey pa ni Khalil.

“Sobrang thankful ako na lahat sila from the cast and the production staff, sobrang welcoming and I felt really comfortable, hindi naging mahirap sa ‘kin, walang ilangan, walang negative energy, sobrang enjoy. 

“Hindi namin naramdaman yung tagal ng lock-in taping, mas naramdaman pa namin yung 10-day quarantine. Yung final days ng taping parang, ‘hala tapos na ang bilis.’ I’m very, very happy to be part of this project,” lahad pa ng boyfriend ni Gabbi.

Samantala, bilang leading lady ni Khalil sa serye, siniguro raw ni Gabbi ang pagiging professional sa pag-atake ng kanilang mga eksena, lalo na sa mga pakilig scenes.

“‘Tsaka kapag nasa set kami hindi kasi kami…we don’t treat each other as boyfriend-girlfriend. It’s more of you are my co-actor I will respect you, I’ll ask kung paano mo aatakihin yung scene, it’s more of like that hindi kami masyadong girlfriend-boyfriend sa set,” sey ng Kapuso actress at TV host.

Kasama rin sa serye sina Sunshine Cruz, Kate Valdez, Kiray Celis, Anjo Damiles, Jason Francisco, Yasser Marta, at Psalms David na unang nakilala sa “The Clash” season 1. Patuloy na tutukan ang “Stories From The Heart: Love On Air” sa GMA Afternoon Prime.

Khalil Ramos sa panloloko ng ex-dyowa: Worst years of my life

Gabbi ‘ghinost’ si Khalil noon para makipagbalikan sa ex-boyfriend

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending