Kim ibinuking ang pagbabaklas ng litrato ni Bea sa hallway ng ABS-CBN Bandera

Kim ibinuking ang pagbabaklas ng litrato ni Bea sa hallway ng ABS-CBN

Therese Arceo |November 26,2021
share this

Kim ibinuking ang pagbabaklas ng litrato ni Bea sa hallway ng ABS-CBN

Therese Arceo November 26, 2021 - 08:28 AM

Kim ibinuking ang pagbabaklas ng litrato ni Bea sa hallway ng ABS-CBN
TRENDING ngayon ang diumano’y pagbabaklas ng litrato ng dating Kapamilya star na si Bea Alonzo sa ABS-CBN hallway na nahagip sa Instagram story ni Kim Chiu.

Nagkukulitan kasi ang dalawa na pawang hosts ng noontime show na “It’s Showtime” patungkol sa mga litrato ng Kapamilya stars na makikita sa hallway ng main building ng ABS-CBN.

Kinuhaan ni Kim ng video ang kanilang kulitan at in-upload sa kanyang IG story. Ngunit marami ang nakapansin sa background ng kanyang IG story na may mga lalaki na tila nagtatanggal ng portrait ng artista.

At tila nga nag-zoom in ang mga mata ng mga dakilang “Marites” at napagtantong ito ay litrato ng dating Kapamilya star na si Bea Alonzo na ngayon ay Kapuso na.

At dahil dito ay mabilis na naging viral ang IG story ni Kim. Marami na rin ang mga kumuha ng screenshot ng kanyang IG story kung saan malinaw na katabing portrait ni Piolo Pascual ang tinatanggal na portrait.

Ang katabing litrato ni Piolo Pascual sa ABS-CBN hallway ay si Bea Alonzo at ang sumunod naman kay Bea ay ang portrait ni Jericho Rosales.

Ang paglalagay kasi ng mga litrato o portrait ng mga artista sa ABS-CBN hallway ay isang senyales ng pagbibigay-pugay sa naging malaking kontribusyon ng mga ito bilang isang Kapamilya at isa nga rito si Bea na naging Kapamilya ng dalawang dekada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Bukod kay Bea, Piolo, at Jericho, makikita rin sa ABS-CBN hallway ang portrait ng big stars na sina KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), LizQuen (Liza Soberanoat Enrique Gil), JaDine (James Reid at Nadine Lustre), at Vice Ganda. Kasali rin doon ang portrait ni Kim Chiu.

Matatandaang naging kontrobersyal ang paglipat ni Bea sa bakuran ng GMA-7 noong Hunyo.

Paglilinaw ni Bea, magaan ang kanyang paglipat sa Kapuso network. Sa katunayan ay maayos ang naging pag-alis niya sa ABS-CBN dahil may blessing ng mga Kapamilya big bosses ang kanyang paglipat.

Anyway, nang mag-viral ang IG story ni Kim ay binura niya ito ngunit mukhang ni-reupload ng TV host-actress ang IG story niya dahil makikita na itong muli sa kanyang account.

May tweet rin ang TV host-actress patungkol sa kaniyang instant viral IG story.

“Eto namang [email protected] ginawan pako ng issue. Ikaw talaga. Kurutin kita sa singit eh! Mag 2022 na powz. Peace and calm na lang tayey. pag keri. Love love love! Sabi nga ni ate kris!” sey ni Kim.

Related Chika:
Bea pak na pak sa pagiging calendar girl

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending