Cherry Pie, Edu inamin na ang relasyon sa madlang pipol Bandera

Cherry Pie, Edu inamin na ang relasyon sa madlang pipol

Therese Arceo |November 25,2021
share this

Cherry Pie, Edu inamin na ang relasyon sa madlang pipol

Therese Arceo November 25, 2021 - 06:48 PM

Cherry Pie, Edu inamin na ang relasyon sa madlang pipol

LOVE is in the air talaga ngayong kumpirmadong magkarelasyon na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Ito ang diretsahang inamin ni Edu sa kanilang text conversation nila ng broadcaster na si Cheryl Cosim na umere sa “One Balita Pilipinas” noong Nov. 19.

Dito ay tinanong ni Cheryl si Edu kung totoo ba ang kumakalat na chika na may something sila ni Cherry Pie sa pamamagitan ng pagsesend sa aktor ng newscast script sabay tanong ng “How true?”

“You’re the funniest! Yes, my dear,” sagot naman ni Edu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cherry Pie Picache (@yescppicache)

Matatandaang naisulat na namin dito sa BANDERA na may mga kumakalat na chika na nagkakamabutihan sina Edu at Cherry Pie matapos mapansin ng mga netizens ang madalas na pagsasama nila nang magbakasyon sa New York.

Kapansin-pansin rin ang pagiging malapit at palaging magkatabi ng dalawa sa mga litrato na in-upload ni Cherry Pie sa kanyang Instagram account kung saan nakasama rin nila sina Janine Gutierrez, Arci Muñoz, at Tim Yap.

Nakadagdag rin sa curiosity ng madlang pipol ang mga naging reply ni Yam Concepcion sa Instagram post ng aktres na “Stay in love!”

2006 nang maghiwalay sina Cherry Pie sa kanyang dating partner na si Gary Tria. Nagkaroon sila ng lalaking anak na si Nio. Samantala, si Edu naman ay matatandaang kinasal noon kina Vilma Santos at Maricel Soriano. Ang huling nakarelasyon nito ay non-showbiz na si Iryne Garcia.

Magkasama ang dalawa sa Kapamilya teleserye na “Marry Me, Marry You” kung saan gumaganap sila bilang magulang ng karakter ni Paulo Avelino na si Andrei.

Related Chika:
True ba, Cherry Pie Picache, Edu Manzano may relasyon daw?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending