True ba, Cherry Pie Picache, Edu Manzano may relasyon daw? Bandera

True ba, Cherry Pie Picache, Edu Manzano may relasyon daw?

Therese Arceo |November 18,2021
share this

True ba, Cherry Pie Picache, Edu Manzano may relasyon daw?

Therese Arceo November 18, 2021 - 04:32 PM

True ba, Cherry Pie Picache, Edu Manzano may relasyon daw?

USAP-USAPAN ngayon ang beteranang aktres na si Cherry Pie Picache at veteran actor-TV host na si Edu Manzano.

Ito ay matapos mapansin ng mga netizens ang Instagram posts ng aktres kung saan madalas ang pagiging magkatabi nila ni Edu sa mga larawan.

Kamakailan ay nagkasama ang dalawa sa New York, USA kung saan nakasama rin nila ang mga kaibigang artista gaya nina Arci Muñoz, Yam Concepcion, at Janine Gutierrez.

Ang ilan sa mga litrato ng kanilang pakikipag-bonding sa mga artistang kaibigan ay ibinahagi ni Cherry Pie sa kanyang Instagram.

“Amazing and lovely moments in the city that never sleeps,” saad ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cherry Pie Picache (@yescppicache)

Nag-comment naman ang si Arci sa post ng aktres.

“Thanks for the great time tepie!! Kutakits sa L.A! (heart emoji) @realedumanzano”

Sinagot naman ito ni Cherry Pie, “@ramonathornes thank you too!!! Kitakits ulit!!”

Nag-comment rin ang aktres na si Yam Concepcion, “Ate pie!! Bitin!! Thank you thank you for such a fun night (heart emoji) @yescppicache”

Reply ng aktres, “Super!!! Thank you to!!! What? Pinapansin ka na?? Warmest regards to hubby! See you soon again!”

Makahulugan rin naging reply ni Yam kay Cherry Pie na “Hahaha. Ayun pag uwi namin, sumobra naman sa pansin. Take and stay in love!! You are glowing!!!”

May comment rin ang dating ABS-CBN writer na si Garlic Garcia at sinabing “Eh yung kinikilih ako sa inyo ni @realedumanzano”

Tanging emojis lang ang reply ng aktres sa comment ng writer.

Sina Edu at Cherry Pie ay kasalukuyang magkasama sa teleseryeng “Marry Me, Marry You” na ipinapalabas sa ABS-CBN.

Related Chika:

Vilma, Edu dinala sa Libingan ng mga Bayani si Luis noong ipagtapat na maghihiwalay na
Cherry Pie tinamaan din ng COVID; umaming naging matigas ang ulo

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending