Ritz Azul ikinasal na sa non-showbiz BF, mala-dyosa sa suot na wedding gown | Bandera

Ritz Azul ikinasal na sa non-showbiz BF, mala-dyosa sa suot na wedding gown

Ervin Santiago |November 21,2021
facebook
share this

Ritz Azul ikinasal na sa non-showbiz BF, mala-dyosa sa suot na wedding gown

Ervin Santiago - November 21, 2021 - 08:56 AM

Ritz Azul at Allan Guwi

IKINASAL na ang Kapamilya actress na si Ritz Azul sa kanyang non-showbiz partner na si Allan Guwi.
Naganap ang intimate wedding ng bagong kasal sa Alphaland Baguio Mountain Lodges kahapon, Nov. 20 na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Mas lalong lumutang ang ganda at kaseksihan ni Ritz sa suot niyang wedding gown na gawa ng sikat na fashion designer na si Mak Tumang.

Kabilang sa glam team na tumutok sa kanyang pagpapakasal ay ang make-up artist na si Jason delos Reyes at hairstylist na si Mark Anthony Rosales.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Mark ang ilang litrato ni Ritz habang nagpe-prepare para sa kanyang big day.

Ang nakasulat sa caption, “RITZ AZUL Wedding (emoji). #MarkedBride #Bride #Wedding.”

Isa sa mga naging bridesmaid ni Ritz sa kanyang kasal ay ang young actress na si Miles Ocampo. 

Si Allan ang una at huling boyfriend ng aktres at umaasa siya na pang-forever na ang kanilang relasyon. Palaging sinasabi ni Ritz sa mga interview na “no boyfriend since birth” (NBSB) si Ritz bago niya nakilala si Allan na ngayonbay asawa na nga niya.

View this post on Instagram

A post shared by Allan Guy (@allan_guwi)


Kung matatandaan, sa presscon ng pelikula nila ni Pepe Herrera na “The Hopeful Romantic” noong September, 2018, nang aminin niyang may nagpapatibok na sa  kanyang puso.

“Ngayon, may ini-entertain na ako, dating, and he’s not from showbiz. Nag-start lang sa barkada. Hindi ko binibilang iyong romantic date. Cowboy kasi ako, e, mostly nga kasama naman iyong friends,” pahayag ng aktres.

“Kasi for the past few years, focused ako sa career. Mas inisip ko kasi iyong ibang bagay kesa sa personal kong buhay.

“Ako kasi, masyado akong futuristic mag-isip kaya medyo naiwan ko iyong side na iyon sa kabataan ko.

“Saka nung time na yun, naghihintay ako ng guy na hindi makakaabala sa ginagawa ko, kumbaga, susuporta pa rin. So far, iyong guy na ito, sumusuporta siya,” sabi pa ni Ritz sa nasabing panayam.

Ibinandera ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na engaged na siya kay Allan noong June 20, 2020.

Aniya sa caption ng litrato nila ni Allan kung saan makikita ang suot niyang engagement ring, “This Guy’s in love with me, pare. I love you too, Allan Guy.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Ritz Alzul (@ritzazul)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending