#OhMyGod: Karen, Lyca nag-celebrate ng birthday together | Bandera

#OhMyGod: Karen, Lyca nag-celebrate ng birthday together

Therese Arceo |November 20,2021
facebook
share this

#OhMyGod: Karen, Lyca nag-celebrate ng birthday together

Therese Arceo - November 20, 2021 - 07:13 PM

#OhMyGod: Karen, Lyca nag-celebrate ng birthday together

MARAMI ang nag-aabang sa magiging birthday celebration nina Karen Davila at Lyca Gairanod ngayong Nobyembre 21.

Matatandaang noong Agosto na nag-viral ang reaksyon ng broadcaster na si Karen Davila kung saan gulat na gulat ito namg malamang magkapareho sila ng birthday ng ni Lyca Gainarod na nagwagi noong “The Voice Kids Season 1”.

Nang malaman na magka-birthday sila ay nangako ang broadcaster na siya na ang sasagot sa birthday celebration nilang dalawa kaya naman marami ang looking forward kung ano ang magiging pasabog sa kanilang kaarawan.

At hindi naman binigo ni Karen si Lyca pati ang netizens dahil ngayong araw, Nobyembre 21, ay naglabas ito ng birthday celebration nila ni Lyca sa kanyang YouTube channel.

“First of all, nagpapasalamat ako sa inyong lahat for welcoming our birthday the way you have. Pero guys, I’ll be honest with you ha, medyo nakaka-pressure kasi hindi naman po namin inisip na magiging viral ang “Oh my God!”

“But you know what, I usually celebrate my birthday quietly pero eto syempre, special because may ka-birthday ako,” saad ni Karen.

Aniya, nais ni Karen na maging para sa ibang tao ang kanilang birthday lalo na’t nasa pandemya pa rin tayo. Kaya naman napili nilang tulungan ang mga taga-Tanza, Cavite kung saan nakatira si Lyca.

Namigay ang dalawa ng mga bisekleta, smartphones, pocket wifis, safety gears, brand new clothes, at mga pagkain.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Karen Davila (@iamkarendavila)

Invited naman sina Gretchen Ho at ang bestfriend ni Karen na si Small Laude.

Bukod sa pamimigay ng mga regalo para sa residente ng Tanza, Cavite ay tila naging mini concert ni Lyca ang kanilang birthday celebration.

“I am so blessed and grateful for many things in my life and I wanna start first with it’s really my relationship with the Lord,” saad ni Karen.

“Sometimes we don’t need much in life, what’s important is we don’t forget what we have,” saad ni Karen.

Sa huling parte ng video ay kasama naman ni Karen ang kanyang mga anak na si Lucas at David na nagbigay ng birthday message sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit bago tuluyang matapos ang vlog ay muling nagbalik sina Karen kasama si Small Laude sa neigborhood ni Lyca.

Sa vlog ni Small ay mapapanood ang ilan pang clips ng birthday celebration nina Karen at ang kanyang birthday surprise para lay Lyca.

Related Chika:
Lyca sa viral vlog ni Karen: Sobrang totoo po ang gulat ko, ang pangit po ng gulat ko walang maganda!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending