Janno ibinida ang superpowers ni ‘Mang Jose’, ‘di magpapatalbog kina Darna at Captain Barbell
Janno Gibbs, Manilyn Reynes at Jerald Napoles
MARAMING paandar at pasabog ang bagong superhero movie ng Viva Films — ito ang “Mang Jose” na pinagbibidahan ni Janno Gibbs.
Unang-unang kaibahan daw ni Mang Jose (na ibinase sa hit Parokya ni Edgar song na may katulad na titulo) ay ang paghingi nito ng bayad sa mga natutulungan niya.
Ito rin daw ang wala sa mga iconic Pinoy superhero tulad nina Darna, Captain Barbell at Lastikman. Naniniwala rin siya na may laban si Mang Jose sa iba pang superhero.
Ang taglay na kapangyarihan ni Mang Jose ay energy absorption and redirection. Siya ang tinatawag ng mga taong nangangailangan ng tulong, ngunit dapat ay may kakayahan silang magbayad.
Ayon kay Janno, marami silang ipakikitang kaugalian ng mga Filipino sa pelikula, kabilang na nga riyan ang pagiging wais at madiskarte sa buhay.
“Naglipana ang mga Marvel movies, DC movies, siyempre iba pa rin yung makikita mo ang sarili mong culture in a superhero movie.
“This is very Pinoy, yung superhero lang na nagpapabayad is very Pinoy. This is the superhero for us Filipinos,” ang pahayag ng TV host-comedian sa nakaraang virtual mediacon ng “Mang Jose.”
View this post on Instagram
Samantala, ayon naman sa co-star ni Janno sa movie na si Mikoy Morales, “Sa akin, si Mang Jose kasi, kung titingnan mo talaga ang pinaka-story niya sa pelikulang ito, makikita mo kung gaano ka-in core pa rin sa ating mga pinoy ang family values natin tsaka yung pagiging family-oriented.
“So in a way, makikita mo kung ano ang nagiging epekto ng pagiging ‘superhero’ ng isang magulang at ano ang epekto nito sa mga magiging anak niya.
“Not necessarily na kung titignan mo sa pagiging superhero pero sa pagiging isang tatay or pagiging father figure na meron kang mga obligations or mga responsibilities ka na kung paano mo tahakin ‘yon.
“May certain sanga siya na nagiging problema or whims sa anak mo at sa pamilya mo. And yun ang depiction no’n, sobrang ikinuwento at in-elaborate sa pelikulang ito,” sabi pa ng Kapuso comedian at “Bubble Gang” star.
Sey naman ng isa pang bida sa movie na si Jerald Napoles, “I think yung premise kasi ng Mang Jose, from the song to the movie itself, is a one-of-a-kind. Kung bigyan mo ‘to ng subtitle at ipapanood mo sa ibang bansa o kahit anong nation, nakakatawa ang idea at nag-iisa lang yung idea na ito lang yata, as far as I know, ito lang yung superhero na nagpapabayad.
“So that premise alone is powerful content. Kasi ang dami agad na conflict ang maiisip for the story ‘pag ganoon ang nangyayari. Alam mo kaagad na yung superhero, tao ‘di ba?
“So I think iyon yung pinaka, para sa akin, magandang premise at pinaka-bentahe ng pelikula. It’s the concept itself,” aniya pa.
Sa tanong naman kung magpapabayad sila sakaling maging superhero nga sa totoong buhay, sagot ni Jerald, “Kung may chance na magpabayad as superhero, mukhang magpapabayad ako.”
Pero paglilinaw niya, “Pipiliin ko naman. Parang ano lang ‘yan abogado, kung defense lawyer ka ba o prosecution, ‘di ba? So mamimili tayo doon.”
Hirit naman ni Janno, “Napapanahon talaga sa pandemic na kailangan nating kumita, lahat kailangang kumita. Yung ibang politiko nga nababayaran eh, superhero pa.”
Mapapanood na ang “Mang Jose” simula sa Nov. 17 sa Vivamax Plus habang sa Dec. 24 naman ito lilipad sa Vivamax.
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/297468/janno-dismayado-sa-nakanselang-guesting-sa-its-showtime-masyado-namang-matindi-galit-nyo-sa-akin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.