John Lloyd balik telebisyon na: Napakalaking bagay ‘ho na nakahanap kami ng tahanan sa GMA | Bandera

John Lloyd balik telebisyon na: Napakalaking bagay ‘ho na nakahanap kami ng tahanan sa GMA

Therese Arceo |November 10,2021
facebook
share this

John Lloyd balik telebisyon na: Napakalaking bagay ‘ho na nakahanap kami ng tahanan sa GMA

Therese Arceo - November 10, 2021 - 11:35 AM

John Lloyd balik telebisyon na: Napakalaking bagay ‘ho na nakahanap kami ng tahanan sa GMA

OFFICIAL Kapuso na nga ang beteranong aktor na si John Lloyd Cruz matapos ang naganap na partnership agreement nito kahapon, Nobyembre 9.

Ilang buwan na ring usap-usapan kung mananatili nga bang Kapamilya ang aktor matapos kumalat ang litrato nito kasama ang President and CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak.

Ngunit ngayon nga ay tinuldukan na ng aktor ang usaping ito nang pumirma siya ng partnership agreement sa GMA 7.

“Maraming salamat sa pagbibigay ng tahanan sa aming munting pamilya at programa. Napakalaking bagay ‘ho na nakahanap kami ng tahanan sa GMA.

“Sa lahat ng mga nagpaabot ng pagbati… sana talaga lahat tayo ay mabigyan ng pagkakataon na magkatrabaho. Kung may time kayo sana madalaw ninyo kami sa aming programa. I-we-welcome namin kayo sa aming munting pamilya,” saad ni John Lloyd.

Nagpakita naman ng lubos na pagsuporta ang GMA executives sa bagong chapter ng career ni John Lloyd.

“John Lloyd is one of the most sought-after actors of his generation. That’s why I’m very happy he chose to partner with GMA for his TV comeback. I’m sure all our Kapuso viewers are excited to watch and support you as you begin a new season in your life. May we continue to work on more projects in the future.” saad ni GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon.

“We’re very grateful that John Lloyd is making his much-awaited comeback through GMA. No doubt, this partnership will open more opportunities for us to collaborate in the years to come. I wish you all the best in your career and congratulations!” pagbati naman ni Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong.

Nagbigay rin ng mensahe ukol sa panibagong yugto ng showbiz career ni John Lloyd bilang Kapuso ang CEO ng Crown Artist Management Inc. na si Rambo Nunez Ortega.

“The management is excited in many ways because this is a first between JLC, CAM and GMA. Just the idea of putting together a project that his fans have been waiting for is something that is really worth anticipating. We are looking forward to a fruitful relationship and help each other produce quality projects together.”

Isa sa mga inaabangang proyekto ni John Lloyd ay ang gagawin nitong sitcom na “Happy Together” directed by Direk Bobet Mortiz. Isa rin ang aktor sa magiging creative director ng programa.

“Nais ko lang magpasalamat sa GMA management. Nagpapasalamat yung buong team namin na binigyan niyo kami ng opportunity na makagawa ng programa dito. We will do our best na makagawa ng isang magandang programa para sa GMA,” saad ni Direk Bobet.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruz83)

Paniguradong lubos na tatangkilikin ng mga fans ni John Lloyd ang mga paparating nitong mga proyekto.

Matatandaang apat na taon rin na namahinga ang aktor kaya naman hindi maitatangging ang pagbabalik nitong muli sa telebisyon ay isa sa mga malalaking pasabog sa showbiz ngayong taon.

Related Chika:
John Lloyd sa pagbabalik-showbiz: Gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending