James Reid ibinebenta uli ang pag-aaring mansyon sa halagang P82-M Bandera

James Reid ibinebenta uli ang pag-aaring mansyon sa halagang P82-M

Reggee Bonoan |October 25,2021
share this

James Reid ibinebenta uli ang pag-aaring mansyon sa halagang P82-M

Reggee Bonoan October 25, 2021 - 10:39 AM

James Reid

FOR the nth time ay for sale na ulit ang bahay ng singer, record producer, actor at entrepreneur na si James Reid sa Loyola Grand Villas Quezon City.

Ipinost ng aktor sa kanyang Instagram account ang mga larawan ng bahay na kuha ang harapan, malaking kusina na karugtong ng dining table, malaking sala, malawak na kuwarto, malaking banyo with jacuzzi at iba pa.

Ang caption dito ni James, “My house is for sale! Loyola Grand Villas, Katipunan. Slide for more pics. Contact my assistant Penelope for more details on +63 927 836 9466.”

Nauna na itong ibinalita noon pang Pebrero, 2020 bago magkaroon ng COVID-19 pandemic. Mula kasi nang maghiwalay sila ng dati niyang karelasyong si Nadine Lustre ay ibinebenta na niya ito.

Sa katunayan ay nailathala pa ito sa magazine kung saan ipinakita ang mga larawan ng loob ng bahay kasama na ang swimming pool.

Ang value umano ng nasabing bahay ay P82 million na sa pagkakaalam namin noong unang lumabas ang balitang for sale na ang bahay ay mahigit P100 million ang asking price ni James.

At dahil nasa panahon pa rin ng pandemya kaya siguro hindi pa nabibili ang bahay lalo na sa ganito kalaking halaga. May nagsabi sa amin na binabaan na raw ng aktor ang presyo kaya muli niya itong ipinost.


Abala ang singer ngayon sa promo ng kanyang music video na may titulong “Para Sa Mga Ex” na mapapanood ngayong 8 p.m. mula sa Island Record Philippines.

Ang caption ni James sa poster ng album niya, “Zac Tabudlo’s Official Music Video for ‘Para Sa Mga Ex’ is out at 8pm tonight! Starring sad boy James. Thanks for traumatising me @zack.tabudlo. Congrats brotha!” May hashtag itong #JamesReidParaSaMgaExMV.

Samantala, marami kaming nabasang komento sa ipinost ni James sa IG na nagsasabing gusto na ulit nilang mapanood si James sa telebisyon at pelikula kaya sana raw ay makagawa na uli siya ng acting projects very soon.

James Reid hindi pa rin nabebenta ang bahay; umaasang may chance pa kay Nadine?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending