Alex: If ever ma-bless ulit na mabuntis we might not tell you right away netizens... Bandera

Alex: If ever ma-bless ulit na mabuntis we might not tell you right away netizens…

Ervin Santiago |October 25,2021
share this

Alex: If ever ma-bless ulit na mabuntis we might not tell you right away netizens…

Ervin Santiago October 25, 2021 - 09:44 AM

Alex Gonzaga at Mikee Morada

IDINETALYE ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada sa publiko ang mga kaganapan sa kanilang first pregnancy journey sa pamamagitan ng isang YouTube vlog.

Mapapanood dito ang ilang mga eksena na kuha habang nagpapa-check-up ang celebrity couple kasabay ng narration sa pamamagitan ng text na lumalabas sa nasabing video.

Ayon kay Alex, gumawa sila ng vlog tungkol sa mga pinagdaanan niya at ni Mikee nang magdalang-tao siya two months ago ngunit nakunan nga siya dulot ng blighted ovum.

Ayon sa isang health website, ang blighted ovum o ang tinatawag na anembryonic pregnancy ay isang kundisyon kung saan ang fertilized egg ay naka-attach sa uterine wall pero hindi nag-develop ang embryo nito.

Nasa isang resort daw sila sa Batangas nang malaman nilang magiging parents na sila. “So we will both have this memory forever,” ang simulang pahayag ni Alex sa vlog.

“I was having major cramps too, but my period never came,” sey pa ng TV host at vlogger. Pag-uwi nila ng bahay ay agad siyang nag-pregnancy test sabay sigaw ng, “Tatay ka na Mikee!” 

At dahil sa sobrang excitement, agad na ibinalita ng mag-asawa ang good news sa kanilang pamilya, “Although we were advised by our doctor not to announce it yet until the end of the 3rd trimester. But we were excited talaga!”

Pagpapatuloy pa ni Alex, “The next day we went straight to the doctor because a week before I was having major cramps nga.

“My doctor told me that we have to wait another two weeks for another ultrasound session. 

“But she said that I am most likely three weeks pregnant and will be experiencing a lot of morning sickness. I haven’t told anyone from my work except for my boss. Pero may kutob na sila,” aniya pa.

“Before our second ultrasound, Mikee wanted to take another pregnancy test to confirm. Excited talaga siya!” sey pa ng TV host. Palagi nga raw hinahalikan ni Mikee ang kanyang tummy.

“After two weeks, there was a gestational sac but there’s no embryo inside. We went straight to our doctor. She told us to wait another two weeks to see if our pregnancy will develop,” dugtong ni Alex.

After two weeks, dito na nila nalaman na may problema sa kanyang pagbubuntis, “We found out that there is no development. There is no embryo.

“We weren’t able to take videos anymore. Our doctor said we have to wait another week if the pregnancy will not push through anymore.

“Kapag naalala ko lang yung moment na sinabi na ng doctor na parang yun nga, hinimas niya yung legs ko, kaya alam ko na may something.

“I know that Mikee is waiting outside. Doon ako medyo nasa-sad kasi I know na hindi lang ako yung may gusto, lalong lalo na si Mikee. 

“We just prayed kahapon naman na the Lord will comfort Mikee more than me because I know that he really wanted this. We will just try,” pahayag pa ng kapatid ni Toni Gonzaga.

Alex kinumpirma ang pagkawala ng 1st baby: Thank you for giving mommy and daddy joy even for a short span

“Kaya namin ginagawa itong vlog na ito, it’s to show people na kaya and may pag-asa. And na normal siya nangyayari. 

“Nag-research kasi talaga ako pagkatapos ng mga ultrasound. Hanggang sa huli (umaasa). Pero kung anong pinagkaloob sa ‘yo, tinatanggap namin. So far, okay naman kami,” sabi naman ni Mikee.

Umaasa rin si Alex na darating din ang tamang panahon na bibiyayaan din sila ng Diyos ng sarili nilang baby.

“Every day, nagkakaroon kami lagi ng bigger hopes. Napapalitan ng saya ‘yung nararamdaman namin. 

“If ever man na kami ay ma-bless ulit na mabuntis or magkaroon ng another baby and maging successful, we might not tell you right away netizens. Baka magulat na lang kayo, may 18 years old na kami,” biro pang chika ni Alex.

“This first pregnancy we will never forget. This will always be a reminder that He blessed us and that His grace was with us, He comforted us,” dagdag pa ng celebrity vlogger.

Dasal ni Alex mula nang maging dyowa si Mikee: Lord, wag n’yo na pong pakialaman lovelife ko…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending