Elias kinagiliwan ng netizens; Eric Fructuoso proud lolo | Bandera

Elias kinagiliwan ng netizens; Eric Fructuoso proud lolo

Therese Arceo |October 23,2021
facebook
share this

Elias kinagiliwan ng netizens; Eric Fructuoso proud lolo

Therese Arceo - October 23, 2021 - 03:55 PM

Elias kinagiliwan ng netizens; Eric Fructuoso proud lolo

KINAALIWAN naman ng mga netizens ang video ni Elias na in-upload ng kanyang ina na si Ellen Adarna.

Sa naturang video ay kitang-kita ang kainosentehan ni Elias matapos siya mahuli ng ina na nilalaro ang concealer ng kanyang Tita Mika.

Kitang-kita rin na nagkalat ang concealer sa buong katawan ni Elias.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)

Marami tuloy sa mga netizen ang natuwa at nacute-an sa batang Elias.

“That side smirk is the winner!!! Grabe ka cute Len and hoe does he know about body make up!?? Next time teach hin how to contour so he has 8 packs like dada Derek,” comment naman ni Jackie Foster.

Nireplyan naman ito ni Ellen at sinabing, “I have no idea! He sees me putting make up tho.. he was exploring hahaha.”

Dagdag pa niya, tinanong raw niya si Elias kung ano ang nangyari at ang akala raw ni Elias ay body paint ang concealer.

“Super cute… parang mahirap magalit pag ganito ka cute ang may kasalanan,” comment ng isang netizen.

“Ang cute ng guilty face,” saad ng isa pa.

Agad namang nag-sorry si Ellen sa

ginawa ng anak.

“His first encounter with a concealer. Sorry miks HAHAHAHA @mikaadarna.”

* * *

PROUD na proud na ibinandera ng aktor na si Eric Fructuoso ang kaniyang pictures kasama ang unang apo nito sa panganay na si Frederick.

Sa kanyang social media ay ibinahagi nito ang ilang larawan habang buhat ang apo.

“My Apo ‘Leo’,” saad ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Hindi naman maitago ni Eric ang kaniyang kasiyahan nang masilayan ang apo. Sa edad na 45 ay certified lolo na talaga ang aktor.

Marami naman ang bumati sa aktor sa kanilang blessing at bagong addition sa kanilang pamilya.

“Kamukha ng lolo, gwapings din! Congratulations!” comment ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang poging lolo at apo naman nyan. Enjoy being a young lolo,” saad naman ng isa pa.

“Pogi just like hid dad and grandpa,” sey naman ng isa pang netizen.

Related chika:
Derek hindi inaagaw si Elias kay John Lloyd: Mabuti siyang tatay at wala kaming isyu
John Lloyd, Ellen, Derek nag-celebrate para sa 3rd b-day ni Elias

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending