Pinsan ni Kylie, rumesbak sa viral post ni Aljur | Bandera

Pinsan ni Kylie, rumesbak sa viral post ni Aljur

Therese Arceo |October 21,2021
facebook
share this

Pinsan ni Kylie, rumesbak sa viral post ni Aljur

Therese Arceo - October 21, 2021 - 01:08 PM

Pinsan ni Kylie, rumesbak sa viral post ni Aljur

RUMESBAK ang pinsan ni Kylie na si Princess Paulino para ipagtanggol ang aktres ukol sa akusasyon ng estranged husband nitong si Aljur Abrenica.

Sa nasabing viral post ni Aljur ay hinamon nito si Kylie na sabihin ang katotohanan sa publiko at aminin kung sino ang unang “nangaliwa” sa kanilang mag-asawa.

Ayon sa pinsan ni Kylie, sana raw ay magkaroon ng “decency” ang aktor at tigilan na nito ang pagsisinungaling.

Sa kanyang Facebook post ay inisa-isa niya ang mga nangyari sa mag-asawang Aljur-Kylie.

“Kylie never cheated on you. Not even when you could not put food on the table. You still owe her a lot of money which she never took against you. You cheated on her multiple times, and we all know that. Stop your lies,” saad ni Princess.

Aniya, hindi naman raw kasalanan ng kanyang pinsan kung nagkakaroon ng maraming bashers ang aktor dahil siya mismo ang may kagustuhan na ilantad ang pagkakaroon niya ng “bagong pag-ibig”. Ang tinutukoy ng pinsan ni Kylie ay ang young actress na si AJ Raval.

“It is not her fault why you have a lot of bashers. If eas your choice to flaunt your new girlfriend in public, not hers. Despite the truth that you were an irresponsible husband who broke Kylie’s heart many times, she NEVER went public to say anything against you,” pagpapatuloy niya.

Dagdag pa nito, hindi rin daw alam ni Kylie ang naging interview ng kanyang ama kung saan isiniwalat nito ang paghihiwalay nila ng asawa. Hindi raw alam ng aktres na magsasalita ang ama ukol sa “cheating” issue ni Aljur.

“She even felt bad. Save some respect for yourself. Stop your lies,” hirit pa ng pinsan ni Kylie.

Sa ngayon ay hindi na makita ang account ng pinsan ni Kylie ngunit naging mabilis ang netizens sa pag-screenshot ng kanyang pahayag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karagdagang ulat:
‘Si Kylie pa rin ang nag-iisang reyna sa buhay ni Aljur’

Kylie Padilla nagpatutsada tungkol sa ‘sumpa’, may hugot sa isyu ng pera
JM de Guzman, third party nga ba sa hiwalayang Aljur at Kylie?

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending