Aicelle Santos nalulungkot para kay Baby Zandrine: Nakakulong pa rin tayo, hindi makalabas pero…
Aicelle Santos, Mark Zambrano at Baby Zandrine
MAGKAHALONG saya at lungkot ang nararamdaman ngayon ng Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos habang lumalaki ang panganay na anak na si Zandrine.
Malapit nang mag-one-year-old ang first baby nina Aicelle at Mark Zambrano at excited na ang mag-asawa sa pagsapit ng unang kaarawan ng kanilang anak.
Ayon sa singer, talagang si Baby Zandrine ang nagpapasaya sa buhay nila ngayon ngunit nahahaluan ito ng lungkot at frustration dahil nga hindi pa rin nila nakakasama ang kanilang mga kapamilya dulot ng COVID-19 pandemic.
Sey ni Aicelle, hindi nila madalaw at hindi pa rin sila mabisita ng kanilang pamilya at mga kamag-anak, lalo na ng mga pinsan ni Zandrine.
“Sa totoo lang masayang-masaya because my daughter is such a joy giver. Napakasarap niyang alagaan,” pahayag ng Kapuso star sa panayam ng GMA.
https://bandera.inquirer.net/291563/aicelle-sa-mister-na-insensitive-wag-ganun-kasi-ang-hirap-talaga-ng-pinagdaraanan-ng-mga-mommy
Aniya pa, “Pero sa kabilang banda, siyempre nalulungkot kasi nakakulong pa rin tayo, naka-mask, hindi makalabas, hindi makita ang mga lola’t lolo niya sa kabilang side, at hindi makapaglaro sa mga pinsan niya.
“But then again, we’re still very thankful dahil we take it day by day na tayo’y healthy at nakakakain. And very hopeful na one day, babalik na tayo sa ayos,” sabi pa ni Aicelle.
Balik-trabaho na ngayon ang celebrity mom kaya kailangan na rin niyang lumabas ng bahay. At dahil dito, she needs to make sure na magiging safe si Baby Zandrine sa bahay habang wala siya.
“GMA makes sure na tayo’y number 1 vaccinated lahat and may mga tests tayo, RT-PCR. Sa pag-uwi ko sa bahay, ang unang gagawin ay magpalit ng damit at diretsong pagligo. Disinfect.
“And for the next five to six days, naka-mask ako around my baby para maghintay kung magkakaroon ako ng symptoms.
“Kung feeling ko naman sobrang exposed ako from work, nagsasariling RT-PCR ako just to be sure. Because mahirap, our babies wala pang vaccines,” sey pa ni Aicelle na talagang super hands-on bilang mommy.
https://bandera.inquirer.net/279991/ano-ang-napansin-ni-aicelle-santos-sa-unang-pag-iyak-ni-baby-zandrine
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.